Chapter 12-Show

50 1 0
                                    

Autumn POV

Monday na monday pero tinatamad ako.

"Hi Autumn,good morning." Bati sa'kin ng ka schoolamate kung hindi ko kilala kaya nginitian ko lang siya.Mabait naman ako eh.Basta mabait ka lang.

"Autumn!"

Napahinto ako sa paglalakad at tiningnan ang tumawag sa'kin.Makasigaw ng pangalan ko feeling close ha.Nakita ko siyang naglalakad patungo sa'kin.Feeling model kung maglakad.

"Bakit?" Mataray kung tanong.

"Bakit mo yun ginawa sa'kin ha?" Aba maratay din pala ang lola niyo.

"Kase bagay lang yun sayo." Sagot ko.Pero nakita ko nalang na hinawakan niya ang mukha niya at parang naluluha.Sinasapian ba siya?

"Ano namang ginawa mo ha, Autumn?" Tanong ni Spring na biglang sumulpot.Wow! Kaya ba siya nagdadrama?

"Why did you slap me?" Umiiyak niyang tanong.Hindi agad ako nakasagot dahil nabigla ako.Anong pinagsasabi niya?

"I didn't slap........"

*pak*

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sinampal ako ni Spring.Oo tama ang narinig niyo...si Spring ang sumampal sa'kin.

Napahawak ako sa mukha ko dahil hindi ko magawang magsalita.

"Hindi lang yan ang aabutin mo pag sinaktan mo pa ulit si Ellah." Sabi niya at hinila ang Ellah'ng yun.

Nag smirk pa sa'kin ang pesteng Ellah.

Wag.Wag kang umiyak Autumn.Hindi ang sampal na yun ang magpapaiyak sayo.Pero tang*na ang peste kung luha namumuo na.

Tumakbo agad ako papuntang cr.Pagdating ko dun pumasok agad ako sa loob ng isang cubicle at dun ko pinakawalan ang mga luha ko.

Hindi naman masakit yung sampal eh.Ang masakit lang ay yung nasampal ka dahil sa kasalanang hindi mo naman ginawa.Pesteng buhay 'to.Mga peste sila.

Pinahiran ko yung luha ko at lumabas ng cubicle.Humarap ako sa malaking salamin dun at tiningnan yung mukha ko.Ang pula mabuti nalang at may concealer ako na dala.Kinuha ko yun sa bag ko at nilagyan yung mukha ko.Pero grabe ang pula pa rin.Pagnakita 'to ng parents ko patay.Mataray pa naman yung Mama ko.

Lintik lang ang walang ganti....

Sabi ko at lumabas na ng cr.

.............

Summer POV

"Grabe wala naman talagang kasalan si Autumn kanina."

"Oo nga eh,akala ko mabait yung Ellah,pero mapagpanggap pala,mabait lang siya pagnandyan si Spring,pag wala ang maldita."

Binagalan ko yung paglalakad ko dahil sa narinig kung pinag-usapan ng mga babae.

"Tama ka talaga,mabuti pa si Autumn kahit maldita yun,totoong tao naman."

"Kawawa talaga si Autumn,kita mo kanina,alam kung masakit talaga yung sampal ni Spring sa kanya.

Bigla nalang nagpanting ang tenga ko dahil sa narinig ko kaya lumapit ako sa kanila.

"Excuse me." Tawag ko sa atensyon nila.Tumingin naman sila sa'kin.

"Bakit Summer?" Tanong nung isang babae.

"Totoo ba yung sinasabi niyong sinampal ni Spring si Autumn?" Tanong ko.Parang natatakot pa silang sumagot.

"Sasabihin namin sayo Summer,pero wag mong......"

HATERS (on going)Where stories live. Discover now