Chapter 42-Responsibility

15 0 0
                                    

Mark POV

"Panu na'to?"

Tanong ko sa kanila.Kakatapos lang ng practice namin.Todo practice na kase kame ngayon dahil next week na yung laban namin sa kabilang school.

"Edi maglalaro tayong wala siya." Sagot ni Dex.

Three weeks nang hindi pumapasok si Win.Malaking kawalan siya sa laro.Tang*na naman kase eh.

Hanggang ngayon nga wala pa rin kameng balita sa kanya.Hindi siya tumatawag sa'min.Mga kalokohan ni Win.

Naglakad na kame papunta sa locker room namin.Kukunti nalang yung tao sa campus dahil oras na nang-uwian.

Pagdating namin dun kinuha lang namin ang extra naming damit at nagshower.

............

"Una na ako sa inyo." Paalam ni Dex habang nagpapalit kame ng damit.

Nauna kase siyang natapos sa'min.Tumango kame sa kanya at umalis na siya.

Pagkatapos namin magbihis ni Spring lumabas na kame ng cr at naglakad papunta sa parking lot at nagsipasok sa kanya-kanya naming kotse ng may bigla akong maalala.Sh*t nakalimutan kung manghiram ng books sa library.

Lumabas ako ng kotse ko.Nakita ko pa si Spring na pinaharurut ang kotse niya.

Naglakad na ako papunta sa library.Pagpasok ko may nahagip ang mata ko sa kabilang side.Nang mapagtanto ko kung sino yun,lumapit agad ako sa kanya.

"Sam." Tawag ko.Medyo na gulat pa siya.

"Oy Mark,nandito kapa pala?" Tanong niya habang nag-aayos ng mga libro sa mesa.

"Pauwi na ako.Pero nakalimutan ko may hihiramin pa pala akong libro.Ikaw bakit hindi kapa umuuwi?" Tanong ko.

Tumayo siya at naglakad papunta sa shelf ng mga libro at nilagay yung libro na kinuha niya kanina.

"May tinapos lang ako." Baling niya sa'kin pagkatapos niyang malagay sa shelf yung libro.

"Aalis kana?" Tanong ko.Tumango naman siya.

"Hintayin mo ako.May hihiramin lang akong libro." Sabi ko sa kanya at pumunta sa shelf ng hihiramin kung libro at nagpunta sa librarian.

"Tara." Yaya ko sa kanya pagbalik ko.

Sabay na kameng lumabas ng library."Hindi ka dapat nagpapagabi dito." Sabi ko kanya habang naglalakad kame.

"Okay lang naman.Papasundo naman kase ako kay manong eh."

"Wag kanang magpasundo.Ihahatid na kita." Sabi ko.

Pagdating namin sa parking lot.Pinagbuksan ko agad siya ng pinto.Agad naman siyang pumasok.

"May balita kana ba kay Win?" Tanong ko habang ini-start ang makina ng kotse.

Nakita ko namang napabuntong-hininga siya at ngumiti ng pilit sa'kin.

"Wala,kayo?"

Umiling ako sa kanya.Tahimik lang kame hanggang sa makarating kame sa bahay nila.

"Thanks Mark." Sabi niya at bumaba ng kotse.Tiningnan ko lang siya habang papasok ng bahay nila.

............

Autumn POV

"What are you doing here?" Bungad ko agad kay Spring.Panu ba naman gabi na ngayon pa siya nagpunta sa bahay.

"We need to talk." Sabi niya at hinila ako sa labas.Pwersahan niya akong pina-upo sa swing.

"Call him." Utos niya.Tumayo ako at nakapamewang na hinarap siya.

"I'm not your nanny,kaya wag mokong utasan." Pagtataray ko sa kanya.Tss! Alam ko naman kung sinong tinutukoy niya eh.

"Please call him." Malumanay niyang sabi.

Marunong naman pala siyang magpakumbaba,pero kung utasan niya ako kanina.Para siyang sino.

"Ilang beses ko nang tinawagan ni Win pero hindi niya sinasagot." Sabi ko sa kanya.

Umupo siya sa isang swing na katabi ko at binaon ang mukha niya sa dalawang kamay niya.

"May alam ka bang problema niya?" Narinig kung tanong niya.

"Wala.Hindi naman ako nagtatanong sa kanya eh." Sagot ko.

"Panu na'to laro na namin next week."

"Take his responsibility.Diba isa ka naman sa pinakamagaling na player.Alam kung kaya niyo kahit wala si Win." Agad siyang napatunghay at tumingin sa'kin kaya nginitian ko siya.

"Do you think kaya namin?" Malungkot niyang tanong.

"Oo naman.Wala ka bang bilib sa sarili mo? Kaya niyo yan." Nakangiti kung sagot.

Nabigla naman ako dahil bigla siyang tumayo at lumuhod sa harap ko at sinapo ang mukha ko.

O_O

Oh my holycownabaka.Ang lapit ng mukha niya sa mukha ko.

Ikikiss niya ba ako.Ohmygulaynalanta.Unti-unti niyang nilapit ang mukha niya sa mukha ko.Gusto ko siyang itulak pero hindi ko magawa.Ito na.Ito na! Kunti nalang maglalapat na ang labi namin.

Pero nang makalapit ang mukha niya sa mukha ko.Pinilig niya ang ulo at may binulong sa tenga ko.

"Salamat sa pagpapalakas ng loob ko walking megaphone."

At tumakbo na siya palabas ng bahay namin.Argghh!!!! Bwesit ka talagang walking dead ka!!!! Madapa ka sana!!!!

Pinapatay ko na ngayon sa isipan ko si Spring.Yun na yun eh.Akala ko ikikiss niya ako.Ang assumera ko naman kase eh.Para akong batang natatantrums dito sa labas ng bahay namin.

HATERS (on going)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant