Chapter 15-Bandira ng pride

31 0 0
                                    

Autumn POV

One week.One week na kameng hindi nagpapansinan ni Spring.One na week na rin kame hindi masyadong nagsasama ni Sam.

Ewan ko ba sa kanya.Tuwing yayaen ko siyang maglunch palagi siyang may pupuntahan.

"Autumn." Tawag sa'kin ni Thun.

Si Thun,siya na yung palagi kung kasamang maglunch nitong nga nakaraang-araw.

Tumingin ako sa kanya."Bakit?"Tanong ko.

"May problema ka ba?"

"Wala,ok lang ako,wag mo nalang akong pansinin." Nakangiti kung sagot.

Napatingin ako sa mga taong dumating.Biglang parang may bagay na tumusok sa puso ko.Bigla ako nakaramdam ng inggit at sakit.

Kasama nina Spring si Sam.Masaya pa sila habang papasok.Akala ko ba busog siya kaya hindi siya sumama sa'min ni Thun na mag-lunch.

Hindi manlang siya tumingin sa'kin ng mapadaan sila sa mesa namin.

"Excuse me Thun,comfort room lang ako." Sabi ko at tumakbo papuntang cr.

Pagpasok ko sa loob nilock ko agad yun.Soundproof naman yung cr kaya pinakawalan ko na yung hikbi ko.Mukhang walang tao naman dito eh.

Ang daya mo Sam.Ang daya daya mo.Bakit mo 'to ginagawa ha? Ganito din ba ang nararamdaman ni Spring tuwing iniiwasan ko siya? Ganito din ba kasakit? Pero bakit naman siya masasaktan.Kung ano-ano ang iniisip ko.

Pinunasan ko ang luha ko at inayos ang sarili ko.Pagkatapos kung mag-ayos lumabas na ako ng cr na parang walang nangyari.

Pagdating ko sa cafeteria,ngumiti lang ako kay Thun at umupo.

......................

Summer POV

Ang sakit tuwing nilalayuan ko si Autumn.Pero kailangan ko 'tong gawin just to make her realize na mali ang naging decision niya na layuan si Spring.

"Sam."

Huminto ako sa paglalakad at tiningnan siya."Bakit? Tanong ko.

"Pwede ba tayong mag-usap?"

"Sorry Autumn,nagmamadali kase ako,next time nalang." Sagot ko at nag-lakad na ulit.

"Sam iniiwasan mo ba ako?!" Napahinto ako sa paglalakad at tiningnan siya ulit.

"Hindi,may pupuntahan lang kase ako ngayon." Sorry Autumn.

"Ganyan ka naman palagi eh,kanina niyaya kitang maglunch,sinabi mo busog ka,pero sumama ka kina Spring,may problema na tayo Sam?"

"Ngayon alam mo na kung anong pakiramdam ng iniiwasan?"

"What are you trying to say?" Kunot-noo niyang tanong.

"Hindi mo pa rin ba ma-point out Autumn? Kaya ko 'to ginagawa dahil gusto ko malaman mo kung anong nararamdaman ni Spring tuwing iniiwasan mo siya,Autumn hindi naman ang pag-iwas ang solution sa problema eh,kame ni Ky kahit hindi kame nagkakasundo at puro asaran lang yung alam namin pero hindi namin nakakalimutan na magkaibigan pa rin kame."

"Pero si Mama ang nag-decide nito Sam."

"Oo alam ko,pero bakit hindi ka gumawa ng paraan para maayos niyo 'to? Alam ko nasabi lang yun ni Tita dahil galit siya,pero alam ko hindi niya yun sinasadya,si Spring nga nag-effort pa para lang magka-ayos kayo,pero anong ginawa mo? nilayuan mo siya? Baba mo kase yang bandira ng pride mo Autumn,hindi nakakadagdag ng ganda yan." Sabi ko sa kanya at naglakad na palayo sa kanya.

HATERS (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon