Chapter 28-Sitio Antonio

30 1 0
                                    

Summer POV

Kakatapos ko lang mag-impake ng dadalhin ko sa Sitio Antonio.Tinext ko na rin kanina si Spring na wag nalang siya magdala ng sasakyan.Dahil sa iisang sasakyan nalang kame sasakay.

Isasama kase namin ang isa naming maid.Utos kase yun Dad.

Ang Sitio Antonio ay probinsya ni Dad.Dun siya lumaki bago siya pumunta dito sa manila.

Hanggang ngayon dun pa rin nakatira ang parents niya na lola at lolo namin ni Kuya.

Dun din palagi nagpupunta si kuya.Iwan ko ba sa kuya ko kung bakit parang everyweek siya nagpupunta dun.

Oo nga pala three days kameng mag i-stay dun kaya marami akong dinala na damit.

"Sam lets go!" Narinig kug sigaw ni kuya sa labas ng room ko.

Kinuha ko yung bag ko at isinukbit sa balikat ko at lumabas na.

Sakto namang paglabas ko sa bahay namin ay pagdating din ni Spring.

"Oy Spring,wrong timing ang pagdating mo,aalis kame ni Sam." Sabi ni kuya.

"Ah kuya,sasama sa'tin si Spring." Sagot ko.

Nakita ko namang natawa si Spring.

"Nag-paalam ka ba sa parents mo Spring?" tanong sa kanya ni Dad.

Kanina pala tinawagan ni Dad yung school namin para ipaalam na mag-eexcuse ako.

"Opo Tito,nasabihan ko na po sila kagabi pa." Sagot niya kay Dad.

Inilagay agad namin ang mga gamit namin sa loob ng van.

Yumakap ako kay Dad."Dad,mag-iingat ka dito ha?" Sabi ko at kumalas.

"Oo naman.Mag-iingat din kayo." Sabi ni Dad.

Pumasok na kame sa loob.Si manong driver na yung nagdrive.Katabi niya si Manang sa harap.Si kuya naman nandun sa gitna naka-upo.Solo siya dun.Kame naman ni Spring nandito sa pinakadulo.

"Sinabi mo ba kay Win na aalis tayo?" Tanong niya.

"Hindi,magkagalit kase kame." Nakita ko sa gilid ng mata ko na tumingin siya sa'kin kaya tumingin sa na rin ako sa kanya.

"Bakit?" Tanong niya.

Tiningnan ko muna si kuya may headset ng nakalagay sa tenga niya at nakapikit na siya.

"Pinapalayo niya kase ako kay Mark." Nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya.

"Bakit daw?"

"Hindi ko alam,labo naman kase niya eh,tinatanong ko siya kung bakit,pero.hindi niya ako mabigyan ng exact reason."

"Siguro nagseselos siya."

Bigla nalang akong natawa sa sinabi ni Spring.

"Wala siyang gusto sa'kin,inamin niya mismo sa'kin yun kahapon." Sagot ko at tumingin sa harap.

"Eh ano naman ang dahilan niya?"

"Yun na nga ang tanong eh."

"Panu kung may gusto nga sayo si Win?" Napatingin ulit ako kay Spring.Pero nakatingin na siya sa harap.

"Hindi yun magkakagusto sa'kin."

"Eh panu nga kung may gusto siya sayo?"

Hindi na ako sumagot sa tanong niya at naglagay nalang ako ng headset sa tenga ko.

"Matutulog muna ako Spring." Sabi ko sa kanya at pumikit.Hindi ko na rin naman siya narinig pa'ng nagsalita.

...................

HATERS (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon