Chapter 33-Pwede ba'ng manligaw?

20 1 0
                                    

Summer POV

"Wahhhh nandito na si Sam!"

Ano naman ngayon kung nandito na ako?Psh! mga schoolmate ko talaga pa iba-iba ng trip!

"Ang swerte mo Sam."

Bakit ako maswerte? Nanalo ba ako sa loto? Oh my god! Bakit hindi ko alam.

"Ang haba ng hair mo Sam."

Mahaba? Eh ang ikli nga ng buhok ko.'To talagang mga schoolmate ko kung anong pinagsasabi.

"Sam Congrats."

Sabi nung isang babae na hindi ko kilala pero ako kilala niya.Bakit ang sikat ko sa school na'to?Ano ba talagang nangyayari? Paki-explain.Luv u! Nanalo ba ako sa Miss.Universe o di kaya sa Binibining Pilipinas.Pero di naman ako sumali dun.

Naglalakad ako habang pailing-iling.Bakit ba ang wierd ng mga tao ngayon.

Malayo pa lang ako sa room ko may nakita na akong mga taong nagkukumpulan sa labas ng pinto.

"Nandito na si Sam guys!!!" Sigaw ng isang bakla.Take note kinikilig pa yung bakla ha?

Habang papalapit naman ako sa room.Bigla naman silang nagform ng dalawang streetline.Binigyan nila ako ng daan para makapasok sa room.

Nang dumaan naman ako sa gitna nila.Bigla nalang nila akong sinabuyan ng mga rose petal kaya huminto ako at tiningnan sila.

"Nababaliw na ba kayo? Bakit niyo ako sinasabuyan ha?"Naiirita kung tanong sa kanila.

"Hayaan mo nalang kame Sam,ang mabuti pa pumasok ka nalang sa loob para malaman mo?" Sagot ni Autumn.

Aba ang lola niyo nandito pala at nakisama sa mga pinaggagawa ng mga schoolmate namin.

"Ano ba talagang nangyayari ha Autumn?" Galit kung tanong.Pero ang gaga,tumawa lang.

"Ehhh..basta pumasok kana." Sagot niya at tinulak ako.

Bakit parang kinikilig ang gaga? Ms. Jel ano ba talagang nangyayari?

Nasa bunganga palang ako ng pinto may narinig na akong music.

[NP: Out of my League by Stephen Speaks]

Nanlaki nalang bigla ang mga mata ko sa nakita ko.My god! Bakit ang gwapo niya.Nakangiti siya habang nakatingin sa'kin.Hindi ko pa rin magets.Ano ba talagang nangyayari.Sapakin niyo nga ako.Kahit isa lang.Hindi pa rin kase magsink-in sa utak ko kung ano talagang nangyayari.

Nakangiti siyang naglalakad palapit sa'kin.May hawak pa siyang isang steam ng rose.

Yung kabog ng puso ko ang bilis.Bakit kase ang gwapo ng nilalang na nasa harap ko ngayon.Samantalang ako naka uniform lang.

"Ngayon ka lang ba nakakita ng gwapo?" Tanong niya sa'kin ng makalapit siya.Pinalo ko naman agad siya.Ang yabang kase.

"Mark ano ba'ng nangyayari?" Oo si Mark lang naman yung nandito na super gwapo ngayong araw.

Hindi niya ako sinagot at hinawakan niya ang kamay ko papasok.Nyemas yung kamay ko pinagpapawisan na.Pagtingin ko sa paligid.Bakit naging garden yung room namin? Di joke lang.Ang dami kaseng rose petal ang nasa sahig.Ang layo pa kaya ng valentines day.

Nilagay niya yung kamay ko sa balikat niya.Wahhh..bakit parang kinikilig ako? Ay hindi parang.Kinikilig talaga ako.Yung mga lamang loob ko nagwawala na.Nilagay naman niya yung kamay niya sa bewang ko.

Oh my god! Magsasayaw kame? Naku! Naku! Hindi pa naman ako marunong.

"Mark hindi ako marunong magsayaw." Nag-aalinlangan kung sabi sa kanya.

HATERS (on going)Where stories live. Discover now