Chapter 8- Pandak at Ting-ting

50 1 1
                                    

Spring POV

"Ang galing maglaro nung Thunder pare." Dex

"Oo nga eh,sayang lang umalis agad si Win kahapon." Mark.

Speaking of Win,bakit wala pa ang ogag.

"Mark nakita mo ba si Win?" Tanong ko.

"Hindi eh,bakit?"

"Di ko pa kase nakikita ang gag*."

"Baka nasa tabi-tabi lang yun." Dex

"Ahh." Sagot ko at umayos ng upo.

May iitanong pa kase ako sa gag*.Nakita ko kase sila kahapon na sabay na umalis ng pinsan ko.

"Nandito na yung hinahanap mo Spring." Mark.

"Bakit mo ako hinahanap Spring?" Tanong sa'kin ni Win pagka-upo niya.

"San kayo pumunta kahapon ng pinsan ko" Napakunot-noo siya sa tanong ko.

"Itanong mo sa pinsan mo!" Sigaw niya.Takte nandito na siya.Bakit hindi pa siya ang sumagot.Wala pa rin kase si Ellah.

"Bakit hindi nalang ikaw ang sumagot." Ang sama ng tingin niya sa'kin pagtingin niya.

"Kusang sumama sa'kin ang pinsan mo,pagsabihan mo nga yun na wag mag-feeling close." Sagot niya at umalis.

*boogshh*

Padabog niyang sinara yung pinto paglabas niya.

"Problema nun Spring?" Tanong ni Mark.Nagkibit-balikat lang ako sa kanya.HB na naman ang gag*.

...........

Winter POV

Batrip akong lumabas ng room.Peste'ng Spring yun.Bakit niya tinatanong kung san kame nagpunta ng pinsan niya.

Dito ako pumunta sa likod ng building.May malaking puno kase dito na pwedeng tambayan.Dito ako pumupunta pag badtrip ako.

Maaga pa naman kaya mamaya nalang ako babalik dun.Hindi rin ako pwedeng mag-cut ng class dahil lagot ako kay Mom.

Pagkatapos kung magpalipas ng oras bumalik na rin ako sa room.Pagdating ko nandun na yung pesteng Ellah.

Padabog akong umupo sa upuan ko.Mabuti nalang at hindi nila ako kinulit.

Lutang yung isip ko.Ni isa wala akong naintindihan sa mga sinasabi ng teacher namin.

Namalayan ko nalang na lunch break na pala.Dali-dali akong lumabas ng room.Hindi ko alam bakit patungo ako ngayon sa room nila Sam.

Sakto namang pagdating ko dun ay naglabasan na yung mga classmate nila.

Si Win oh,ang gwapo!!!

Sino kaya ang hinihintay niya dito?

Oh my god girl,ang gwapo niya talaga.

Hanip sa landi na mga babae.Kailangan talagang magsigawan.

Lumapit agad ako kina Sam ng makita ko silang papalabas kasama yung Thunder.Tss!

"Oh Win,bakit ka nandito?" Tanong ni Autumn.Napakamot naman ako sa ulo ko.Ano nga bang ginagawa ko dito.

"Autumn tara na." Yaya ni Sam sa kanya.Hindi man lang ako pinansin.

"Win,una na kame ha." Paalam sa'kin ni Autumn at naglakad na sila.

"Sam,sandali lang!" Sigaw ko sa kanya."Autumn mauna na kayo may sasabihin lang ako kay Sam.Tumango naman siya.Yung Thunder nakakunot-noo lang.Problema mo dre?

HATERS (on going)Where stories live. Discover now