Chapter 68

1.4K 39 9
                                    

Nagising ako ng maaga pero wala na si Rein sa tabi ko. Nagpanic agad ako dahil hindi ko sya makita.

"Rein? Rein!"

"Good morning po Maam Ruan" I saw butler Jeff on my side.

"N..nasaan si Rein?"

"Naghahanda po sa kasal at hinabilin ka nya sakin"saad nya.

"H..he's preparing?"

Agad na tumulo ang luha ko sa sinabi nya. Bakit? Akala ko ba pipiglan nya ang kasal?

 
"P..pero diba h..hindi sya magpapakasal?"

Napangiti ng maliit si Butler Jeff at tumayo.

"Tara na po. May kailangan tayong puntahan"

Tinakas ako ni Butler Jett sa mansion, namalayan ko nalang na nasa condo na kami ni Rein.

"N..nandito ba si Rein? Asan na ba sya?"

Imbes na sagutin ang tanong ko ay inalalayan nya ako papasok sa unit.

May tatlong babae doon at isang bakla. Nakita ko rin ang isang napakagandang wedding gown sa tabi.

Natulala ako sa gown. I can't take my eyes out of it, sobrang ganda.

"Sya ba yun? Pak! Ang ganda nya naman!!" Lumapit sakin ang bakla ag kinilatis.

"Excited na akong make up-an ka! Girls dali paliguan at bihisan nyo na sya!"

Hinila ako ng tatlo babae at pinasok sa banyo. Hinawakan nila ang damit ko para hubaran pero pinigilan ko agad sila.

"A..anong gagawin nyo?!"

"Papaliguan po kayo maam"

"K..kaya kong maligo mag isa!!"

"Sige po"

Pumasok ako sa banyo at naligo. Kahit hindi ko alam ang nangyayari ay kusang sumusunod ang katawan ko. Sabi ni Rein sundin ko lang daw ang sasabihin ni Butler Jett.

Nagsuot ako ng bathrobe pagkalabas at pinasuot nila sa akin yung wedding gown na nakita ko kanina.

"Perfect! You're so pretty madam! Oh my gosh!!"

Pinaupo nya ako sa harap ng salamin at sinimulang ayusin ang buhok ko. Pinaikot ang buhok sa magandang magkakaayos at nilagyan ng kulot na nakalaylay.

Isang malaking question mark ang nasa utak ko ngayon, hindi ko alam kung anong nangyayari. Bakit naka wedding gown ako?

At si Rein? Asan na sya?!

"Butler Jett? Pwede pong malaman kung anong nangyayari?"tanong ko.

"Basta magtiwala lang po kayo maam" Nginitian nya ako.

Nilagyan din ako ng make up ng bakla at pinagsuot ng puti at kumikinang na sapatos.

"Oh my.. you're the most gorgeous bride I'd ever seen!" Sabi ng bakla habng pumapalakpak pa.

"B..Bride?"  Napatingin ako kay Butler Jett. Nginitian nya ako at tumungo tungo sakin.

T..teka? Paano si Tania??

Matapos ang ilang oras na pag aayos ay pinasakay ako ni Butler Jett sa kotse. Litong lito parin ako sa mga nangyayari.

Paano nangyari 'to? Ikakasal na ako? Paano si Tania? Asan sya? Bakit nangyayari 'to? Litong lito na ako!!

"Mabuti pa, itaklob mo na ng belo ang mukha mo"

"S..sige po" sinunod ko namam sya.

Nagtataka ako sa belo ko, hindi sya pangkaraniwan dahil medyo makapal sya at hindi madaling makita ang mukha ko.

✔The Playboy S.ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon