Chapter 6

2.2K 65 1
                                    

"Rein!" agad ko syang nilapitan at paghipo ko palang ng balat nya ay nag aapoy na ito sa init.

"What the heck! You're burning!" Nag panic ako at tinulungan syang makatayo. Mabuti at hindi niya ako pinahirapan dahil sinubukan rin niyang buhatin ang sarili niya.

"Ang engot mo talaga! Bakit hindi mo sinabing may sakit ka?!"inis na sabi ko.

Inupo ko sya sa couch ng librarian, naghanap ako ng medical kit sa mga gamit ng librarian pero wala! Lintik namang Rein na 'to bakit pumasok pa sya kung masama yung pakiramdam nya?!

"Ano bang ginawa mo? Bakit ang taas ng lagnat mo?!" 'di ko maiwasang ma-tense sa sitwasyon niya. Kasi naman nakakakaba talaga siya, akala ko inaatake siya ng kung ano nung natumba siya.

"N..naulanan lang ako kahapon hehe," tumawa sya ng mahina.

Napatigil naman ako ng maalala ko yung ginawa nyang pagpayong sa mga kuting kahapon.

So that's why..

Napabuntong hininga ako at umiling iling.

"Hintayin mo 'ko dito okay? Titignan ko kung bukas pa yung clinic" tumalikod na ako para umalis nang hilahin nya ako pabalik at sinalubong ng maliit na ngiti.

"Kinikilig ako sa pag aalala mo, alam mo yun?" saad nya at tumawa ng sobrang mahina. "Ang sarap sa feeling... I feel so important.." saad nya at ngumiti ng maliit.

Lumandas ang daliri nya sa buhok ko at bahagya 'yong sinuklay. Parang dumaloy ang kuryente sa akin mula sa marahan niyang haplos. Gosh. My heart is starting race again.

As I looked in to his eyes, I noticed some hint of longiness on it. I can't explain, para bang malungkot yun na may saya, malamlam din ang mata niya dahil sa panghihina. Aminin kong nakaramdam ako ng awa at guilty dahil sa pagsusungit ko sa kaniya.
Yung inis ko kanina ay naglaho ng parang bula, ang gusto ko lang gawin ngayon ay ang tulungan sya.

"K..kung ano ano palang sinasabi mo pag may sakit ka. Maghintay ka rito, okay? Kukuha ako ng gamot mo"

Tumalikod na ako at pumunta sa pinto. Pero ng pihitin ko ang pinto ay ayaw nitong bumukas. Fudge! Nasaraduhan kami ng pinto?!

Napatingin ako sa cellphone ko, 6:30 na pala! Sinubukang kong tumawag kay mama pero biglang nagshut down ang phone ko. Halos mapanganga ako sa sunod sunod na kamalasan.

Hindi ito maaari! Nakulong kami sa library!!

"What the hell!? Hoy buksan nyo 'to!! Manong security guard!!" kinatok ko ng malakas ang pinto pero mukhang walang tao sa labas!

"Why?" nagtatakang tanong ni Rein.

"Nakulong tayo!" nilingon siya at napahawak sa ulo ko dahil sa nerbyos. "Anong gagawin natin!? Lagot ako kay mama! Asan ang cellphone mo?" Sabi ko kay Rein

"It's dead battery" mahinang sabi nya.

Nahilamos ko ang palad ko sa aking mukha. Grabe napaka swerte naman namin ngayon.

"Great! Napaka useful ng phone mo!tsk!" sarcastic kong sabi.

"And so you too" sagot nya at sarcastic din.

Napairap nalang ako sa kanya at nilapitan siya para hinipuin ang noo nya. "Hindi ka ba uminom ng gamot kanina?" 

Umiling iling sya. "Don't worry about me, matutulog nalang ako. I always do that whenever I'm sick then tomorrow, I'll be fine," pumikit na sya at sinubukang matulog.

Sa totoo lang, for the first time ay nakaramdam ako ng awa kay Rein. Namumutla sya at ramdam kong nahihirapan sya. 

"Rein.. humiga ka na sa sofa para mas comfortable." Inalalayan ko siya papunt roon, mabuti at hindi naman sya nagreklamo.

✔The Playboy S.AWhere stories live. Discover now