Chapter 40

1.5K 41 2
                                    


PUYAT na naman ako ngayong araw, hindi na ako masyadong nakatulog kagabi dahil sa konprontahan namin ni Rein. Parang ayoko ko tuloy pumasok, ayoko siyang makita dahil hindi ko alam kung paano ulit siya haharapin.

"Kumusta na nga pala si Rein? Ang tagal ko na syang hindi nakikita, sabihin mo dumalaw naman sya dito" biglang saad ni mama habang naghahanda sya ng agahan.

Napatigil ako sa pagkain. Hindi ko pa sinasabi kay mama ang nangyari samin hanggang ngayon. Gusto ko kasi na maayos muna ang lahat para hindi na sya mag alala pa.

Hindi nya rin alam ang tungkol samin ni Kyle, napag usapan naman namin ni Kyle na sasabihin din namin kay mama kapag may improvements na sa aming dalawa.

"Uh..medyo busy po yata sya"saad ko.

"Nak.. parang stress na stress ka ngayon? Tignan mo namamayat ka"

"Sa school works lang po 'to ma. Malapit na ang end of semester kaya medyo hectic"

"Wag mo kasi masyadong dibdibin. Ayos lang kahit hindi ka honor. Basta makapagtapos hmm?"

Napangiti nalang ako. Mas mabuti nga kung clueless si mama sa ngayon, ayoko syang mag alala sakin.

Pumasok na akong muli sa school kasabay si Kyle. Normal na ulit ako makipag usap at pinipilit kong mas maki-get along sa kanya.

"Love.. mamaya gabi may hangout sa bahay ni coach. Okay lang ba na sumama ako? Wala namang babae dun promise...yung asawa nya lang" napakamot pa sya sa ulo nya habang nagpapaalam.

Natawa ako ng mahina. I found him cute doing that, para syang si Rei—No wala na pala akong sasabihin.

"Sure. Basta hindi ka gagabihin ah"I said and gently pinch his nose.

"Okay. Ihahatid muna kita mamaya—"

"No need! Kaya ko umuwi mamaya promise, mag iingat ako"

"Thanks Love" inakbayan nya ako at hinalikan sa noo—which he used to do always.

Hinatid nya lang ako sa room at unalis din. Sa klase, napansin kong absent si Tania. Nasaan kaya sya?

Why do you care Ruan?, my brain whispered.

"Min, may assignment ba—"

Napatigil ako ng lingunin ko si Min. Nakatulala lang sya at mukhang wala sa sarili.

"Min...?"

"H..ha?" She snapped out and look at me.

"Okay ka lang ba?"tanong ko.

"Y..yes. I'm all good"sagot nya at ngumiti.

Behind her smiles.. alam kong hindi. Dahil doon, nagka idea tuloy ako kung anong resulta ng confession nya.

"Did you already confess—" tumango tango si Min bago pa ako matapos sa pagsasalita.

"S..sorry Min"

"Wala lang yun! Psh! Masakit lang sa dibdib. Basta wala 'to"saad nya at pinunasan yung kuhang tumulo sa mata nya.

Napatingin naman ako kay Jett. He's looking at us also pero napaiwas sya ng tingin ng tignan ko.

Nang matapos ang klase ay nilapitan ko agad si Jett at inakbayan. I know he's sad and guilty, kaibigan namin ni Min kaya siguradong apektado din siyang nasasaktan niya ito.

"Hey.." Bati ko.

"Min told me about—"

"I know. At alam kong si Alex ang gusto mo" saad ko.

Bumuntong hininga naman sya ng malalim.

"I didn't mean to hurt her, I don't know that I am hurting her.." Malungkot ang himig ng boses niya.

✔The Playboy S.AWhere stories live. Discover now