Chapter 67

1.3K 34 4
                                    

Our face just an inch close. Pero tumayo ako agad at pinagpagan ang sarili ko.

"S..sorry for that. A..are you hurt?"tanong ko.

Hindi sumagot si Rein at tinitigan lang ako. Parang nagp-process pa sa utak nya ang presensya ko.

"W..what are you doing here?"hindi parin sya makapaniwala na nasa harap nya ako ngayon.

Napatingin ako sa sahig at nagdalawang isip. Matapos ang mga nakita ko kanina... ewan ko ba.. pakiramdam ko umuurong na ang dila ko.

"I.. I am here to... congratulate you. Bukas na ang kasal mo diba?"ani ko.

Hindi naman nya nagustuhan ang sinabi ko at napakunot ng noo.

"Nangaasar ka ba ha?"may inis ang tono nya.

Hindi ko kayang sabihin.. ngayon alam ko na napagdesisyunan na nya akong kalimutan.

"Rein.. g..gusto mo na ba talaga akong kalimutan?" Tanong ko.

"This is what you want right? Ruan.. I know living without you is a hell but I can't live with despair because of my love for you. K..kung hindi ko makukuha ang masayang buhay na gusto ko sayo... p..pipilitin kong hanapin yun sa iba kahit mahirap"he said.

Napakagat ako ng labi para pigilan ang luha ko. Sino ba namang tao ang gustong mamuhay mag isa?

Syempre kung hindi mo makuha ang bagay na ikakasiya mo, maghahanap ka ng iba para makuntento.

"T..tama ka"saad ko at pinilit ngumiti sa kanya.

"Tama ang desisyon mo Rein.. sa totoo lang kaya ako nandito dahil sinabi sakin ni Alex na hindi ka raw kumakain at nagkukulong ka lang sa kwarto. Nag aalala ako sayo pero mukhang hindi na kailangan dahil ayos ka naman pala.."huminga ako ng malalim para pakalmahin ang luha.

Please wag sa harap nya, ayokong mag mukhang mahina.

"A..at, gusto rin kitang batiin sa kasal mo bukas. M..masaya ako para sayo"pumatak na ang luha ko pero agad ko yung pinunasan at ngumiti sa kanya.

"Ruan.. you want a peaceful life without me right? Alam mong mahal parin kita... pero sana.. tulungan mo rin akong maka move on, kung magpapakita ka sakin bago ang kasal ko sa tingin mo ba nakakatulong ka ngayon?"mahinahon nyang sambit.

I look down the floor, hindi ko na kaya.. nasasaktan ako ng sobra. Pushing me away like this sucks.. pakiramdam ko pinipilit na nya akong alisin sa buhay nya.

"S..sorry, pasensya na"mahinang saad ko.

"Baka makita ka pa ni Dad. Mabuti pa.. umalis kana"

"S..sorry ulit"sabi ko at naglakad na papunta sa pinto.

Tuluyan ng pumatak ang luha ko pagkatalikod ko.

Ang sakit, ang sakit na ipagtabuyan ka ng taong mahal mo.

Napatigil ako at napahawak sa bibig ko ng makaramdam ng pagduduwal. Damn.. wag muna ngayon.

"You okay?"tanong ni Rein.

Naduwal ako at napatakbo sa banyo. Sumuka ako sa sink, binuksan ko yung gripo at nilinis ang bibig ko.

Bakit ngayon panako sinumpong? Akala ko tuwing umaga lang 'to?

Napahawak ako sa tyan ko at napaluha. Hindi ko magawang sabihin ang tungkol sa kanya dahil alam kong ayaw narin ni Rein ng gulo. Handa na syang mag move on. Pero paano na ako?

"Ruan? Are you okay?" Rein looks so worried.

Nakita nya ang kamay kong nakahawak sa tiyan ko at tinitigan ito ng matagal.

✔The Playboy S.AWhere stories live. Discover now