Chapter 23

1.6K 35 17
                                    


Ganito pala ang feeling kapag hindi kayo nagkikita ng taong mahal mo sa isang araw, palagi kang may namimiss!

"Ano? Kumusta na si Mr.Loverboy slash former Playboy noon?"may pangaasar na tanong ni Min Ethel.

Nasa library sya ngayon dahil sa research, ngayon naman ay duty ko.

"Malay ko, hindi pa nga nagtetext or tumatawag"

"Nako.. baka nambabae na yun!"

Sinamaan ko naman sya ng tingin. Natawa naman sya at nagpeace sign.

"Subukan nya lang at hindi na sya makakabalik dito ng buhay"sabi ko.

"Ang possessive girlfriend naman! Ay wait? Ano yang nasa leeg mo?"

Napahawak naman ako sa hickey na may band aid sa leeg ko.

"Ah.. ano nakagat ng lamok"sabi ko.

"Lamok huh? Ang laking lamok naman nun"

"Psh. Masyado kang matanong Min! Pakielaman mo yang leeg mo wag yung akin"masungit ko nalang na sabi.

"Kayy.. hihi! Sungit naman nito, parang hickey lang" nanlaki ang nata ko sa kanya.

Humagikgik sya at nagba-bye na agad sakin. Aba ang lakas talaga mang asar ng babaeng yun.

Nang matapos duty ko ay hindi ko inaasahang makita si Alexa sa gate ng school, mukhang may hinihintay.

"Ruan!" Nagwave sya sakin at ngumiti

"Alexa? Bakit nandito ka?"

"Ow.. alam mo naman yung pinsan kong mukhang unggoy, pinapasundo ka na naman sakin"

"Nako hindi na kailangan"

"No way! Inutos nya 'to kaya kailangan kong sundin no! Tara sa SB!" Hinila na agad nya ako at ipinasok sa kotse.

Kung hindi ko lang sya kilala, mapagkakamalan ko syang kidnapper! Expert sa paghila eh!

Nakarating kami sa SB at umorder na naman ng frappe. Nagkukwentuhan kami ni Alexa ng may dumaang lalaking sa gilid namin at natisod.

"Oh my!!" Napatayo si Alexa ng matapunan sya ng frappe ng lalaki.

"Ano ba?! Hindi ka nag iingat?!"inis na sabi ni Alexa.

"Miss, natisod ako sa paa mong paharang harang!"nagulat ako ng marinig ang pamilyar na boses. Si Jett pala 'to!!

"Jett!"

"Ruan? Are you with this annoying girl?"taas kilay nyang tanong.

"Annoying?! I am not! But you are!"depensa ni Alexa.

"Yes you are, ang lakas ng boses mo. Nakakairita"

"You freak-"

"Hey!hey! Tama na yan..tama na yan.. pinagtitinginan na kayo oh.."awat ko sa kanila.

"Psh. Nasayang lang yung frappe ko dahil sa paa mong paharang harang"umirap si Jett at umalis na.

"Aba ang kapal ng mukha! Hoy! Tinapunan mo ako! Look at my dress now!!"sigaw ni Alexa.

Pinakalma ko naman si Alexa.

"Who's that freaking guy?! Pagbabayarin ko sya sa ginawa nya!"inis na sabi ni Alexa.

"Si Jett yun, kaklase ko sya. Wag mo ng patulan Lex please"

Napacross arm naman sya at inis na bumuntong hininga.

"Fine. Hindi naman talaga ako warfreak, nainis lang ako. Psh"

Matapos namin mag SB ay hinatid na ako ni Alexa sa bahay, pagkahiga ko sa kama ay binuksan ko agad ang phone ko para tignan kung may text ba si Rein, pero wala parin.

✔The Playboy S.ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon