Chapter 27

1.5K 39 0
                                    

Naglalakad ako pabalik sa isla, nakatingin lang ako sa buhangin habang nilalandas ang daan.
Hindi ko na alam ang paniniwalaan ko, sinabi nya na hindi sya makikipag kita kay Tania diba? Eh bakit magkasama parin sila? Bakit nagawa nyang magsinungaling sakin?

Pinipiga ko na ang utak ko kakaisip ng dahilan pero wala parin talaga akong naiisip. Bakit nya nagawa yun? Is he cheating behind my back?

"BOO!!"

"WAAH!!" Nagulat ako ng sumulpot si Kyle sa harap ko.

Natawa naman sya sakin kaya napasimangot ako.

"Ang lakas din ng trip mo no?"inis na sabi ko.

"Haha! Eh kasi yung mukha mo eh.. haha!"

"Psh. Ewan" wala ako sa mood kaya nilagpasan ko nalang sya.

"Wait! May gagawin ka? Asan yung hinayupak mong boyfriend?"

"Wala nasa higad nyang kaibigan"inis na sabi ko.

"Haha! So tanggap mong hinayupak talaga yung boyfriend mo-Aray!!"

Di porket mag kaaway kami ni Rein pwede na nyang sabihan sga ng ganun no! Nabatukan ko tuloy sya.

"Mahal ko yung sinasabihan mo ng hinayupak no!"

"Sus.. babaero naman" lalong sumama ang tingin ko sa kanya.

Nambubwisit ba sya?

"Lumayas ka nga sa harap ko Kyle. Baka lunurin kita" inis na sabi ko.

"Weh? Crush mo nga ako dati" sabi nya bigla.

Nanlaki ang mata ko sa kanya pero natawa na naman sya sakin. Ang kapal ng mukha !

"Oo aaminin ko yun, pero dati lang yun Kyle. Bata pa tayo nun" sabi ko.

"Okay....? So wala na talaga akong pag asa?" Tanong nya.

"Ha?" Bakit nabibingi ako bigla?

"Wala. Sabi ko, may barbecue dun sa pwesto namin. Gusto mo? Ipapakilala kita sa mga friends ko"

Nagdalawang isip naman ako. Wala namang masama diba? At isa pa, gusto kong mawala tong sama ng loob ko.

"O sige"

"Good! Tara na!"

Nameet ko ang iba't ibang friends ni Kyle, mga nasa walo silang lahat. Sina Ina, Roxanne, Dave, Mark, Lawrence, Ken, Lucy at Vanessa. They are all nice at hindi talaga ako na out of place sa kanila dahil puro sila madadaldal!

"Ruan, alam mo bang nakwento ka samin nyan ni Kyle? Sabi nya na sobrang gumanda ka daw" Lucy said and look at Kyle teasingly.

"Sa wakas daw at nagkita na sila ng childhood friend nya.. hmmm.. I feel something.." gatong naman ni Ina.

Napailing iling naman si Kyle at tumawa lang.

"Lahat kami may partner na, ikaw nalang wala Kyle, hanap kana dali!" Sabat ni Dave at niyakap ang girlfriend nya na si Ina.

"So rude of you guys! Mga kaibigan ko ba talaga kayo?" asar na sabi ni Kyle at sinuntok pa si Dave.

"Bakit pa hahanap eh andyan naman si Ruan?" Lawrence said teasingly at inakbayan si Lucy.

"Yiee! You are no longer hopeless romantic Kyle!" saad ni Roxanne habang sinusubuan ang boyfriend nyang si Mark.

"Congratulations! You will gonna surpass the level of being single soon!" asar ni Ken at inakabayan si Vanessa.

Siniko siko pa ako ni Vanessa para asarin pero napangiti nalang ako.

"Hey guys.. don't be like that to Ruan.. taken na sya okay?"

✔The Playboy S.ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon