Chapter 35

1.3K 36 1
                                    

Dinala ako ng mga paa ko sa rooftop at umupo nalang sa gilid tsaka ibinuhos na ang iyak ko. Niyakap ko ang tuhod ko habang nakatungo ng mapansin ko ang puting sapatos sa harap ko. Napaangat ang tingin ko at bumungad sakin si Kyle na may dalang puting panyo.

"Sana huling iyak mo na yan" he said and sit in front of me.

Tinanggap ko naman ang panyo nya at pinunasan ang mukha ko.

"S..salamat"

"Hindi ba pwedeng ako nalang Ruan?" mahinang sabi nya ngunit sapat na para marinig ko.

Ilang segundo bago ako makasagot. Hindi ko akalain tatanungin nya yun.

"A..ayokong paasahin ka Kyle" sabi ko.

"Handa akong umasa. Let me help you Ruan, let me help you forget him" he said.

"But—"

"No need to answer yet. Pag isipan mong mabuti please at sana kapag tinanong ulit kita, oo na ang sagot mo"

I don't know what to say, I just nod and give him a little smile. Posible pa naman diba? Posible pa na magustuhan ko ulit sya, minsan ko na syang hinangaan noon kaya siguro pwede kong maibalik yun.

*

Kinabukasan ay pinaglinis kami ni Tania ng buong gym bilang parusa sa aming dalawa. Dala ko ang isang map tsaka pumunta sa gym. Pagpasok ko ay narinig ko ang mga nagkikiskisan na sapatos sa sahig, nag p-practice pala sila Kyle ngayon.

Napansin agad ako ni Kyle at kinawayan.

Napangiti naman ako at kumaway din sa kanya. Pero napatigil ako ng makita sina Rein at Tania, si Tania ang nag m-mop habang si Rein ay nakaupo habang nag uusap sila.

"Huy!" Biglang hinilamos ni Kyle yung mukha ko at hinarap sa kanya.

"Psh!Kyle!!"

"Aray!!" Kinurot ko sya sa tagiliran kaya napalayo sya.

"Ang sadist mo!" Reklamo nya at tumawa tsaka ginulo naman ang buhok ko.

Nawala ang ngiti ko sa sinabi niya. Naalala ko kasi si Rein, palagi niyang sinasabi ang linyang 'yon sa akin.

"Psh. Ikaw kasi" Natawa ako ng mahina kay Kyle at biglang napabaling kay Rein. Nahuli ko syang nakatingin at bigla nalang umiwas.

"Tapos na kami mag practice, wanna have some help?"

"Wag na! Pagod ka pa so get rest"

"Okay..." umupo sya sa bleacher na nasa harap ko.

"Go. Start cleaning, binabayaran kita dito" he said like a boss.

"Mukha mo!" Hinawi ko yung mop sa kanya nya pero iniwasan nya lang yun.

"Uy madumi yan!" Saad nya. Pareho kaming natawa ni Kyle.

"Miss? Ikaw ba yung isa pang mag lilinis? Tulungan mo yung isa dun, unahin nyo yung part na yun" utos nung janitor sa akin at tinuro yung part na nililinis ni Rein.

"Pwede bang dito nalang—" napatigil ako sa pagsasalita ng makalayo na pala si kuyang janitor.

Napasimangot naman ako. Nice, pasalamat sya may punishment kami kaya kami gagawa ng trabaho nya!

"Sige na. Binabayaran kita dito" sabi ni Kyle at binuggo ako ng mahina.

"Kapal mo talaga" sabi ko nalang.

Natawa sya at inakbayan ako tsaka pumunta dun sa part nina Rein. Napatingin agad sina Tania at Rein sa aming dalawa.

"Bakit nandito kayo?" Asar na sabi ni Tania.

✔The Playboy S.AWhere stories live. Discover now