Chapter 20

1.6K 39 2
                                    

Kinabuksan ay pumasok na ako sa school. Nagtext sakin si Rein na hindi nya raw ako masusundo dahil late na syang nagising. Nalungkot tuloy ako.

"Ruan! Tara sa canteen!" Niyaya ako ni Min na pumunta sa canteen since break time na.

Although, nagpadala na naman si Rein ng sandwich at milk, pumayag naman ako dahil gusto ko rin sanang makita si Rein.

Pagdating namin sa canteen, nakita ko agad si Rein na nakikipagtawanan sa dalawang babae. Napakunot agad ang noo ko sa kanya.

Ang alam ko kaklase nya yung dalawa, nakita kong marami silang libro at pagkain sa mesa nila. Napakagat ako ng labi at hindi sya pinansin, dire diretso lang kami ni Min papunta sa counter.

"Uy Ruan! Yung baby mo oh"bulong sakin ni Min.

"Pabayaan mo sya"inis na sabi ko.

"Ay? Mag LQ kayo?"

Umiling iling nalang ako at bumili ng pagkain(kahit hindi ako gutom), pagkatapos ay lumabas na agad sa canteen pero bago yun ay nagtama pa ang mga mata namin ni Rein. Umiwas nalang ako at lumabas na sa canteen.

What's with him? Nambababae ba sya?!

Hindi kami nagsabay maglunch. Ewan ko kung bakit hindi nya manlang ako pinuntahan kaya sumabay nalang ako Min Ethel kanina.

Maaga naman akong pumasok sa duty sa library, pero hindi ko inaasahan na mas mauuna pala sakin si Rein. Naka backpack pa sya at nakikipag usap kay Ms.Librarian.

"Ayos lang naman kung hindi ka makakapasok ngayon"

Huh? Bakit hindi sya mag d-duty ngayon?

"Thank you maam! I'm sorry for the inconvenience"

"Nako ikaw pa ba! Sige na, goodluck bukas!"

Aalis na sana si Rein ng makita nya akong nasa pinto. Hindi pala sya papasok? Bakit hindi nya manlang sinabi sakin? At bakit kanina nya pa ako hindi pinapansin?!

Ilang segundo kaming nagkatitigan pero umiwas agad ako at nilagpasan na nalang sya. Nagpunas nalang ako ng mga shelves, nilabas ko dun yung sama ng loob ko kay Rein.

Nakakainis! Ano bang nangyayari samin?!

"Hey..."

Napatingin ako sa gilid ko, nasa tabi ko na pala si Rein habang nakahawak sa magkabilang strap ng bag nya. Fudge... he's so cute! Para syang elementary!

"H..hey" awkward kong sabi.

"I will go to my classmate's house"

"For what?"taas kilay kong tanong.

"Uhh.. magrereview kami"he said.

"Review? Sinong kasama mo?"

"My two classmates"

"Sinong classmate? Yung dalawang kasama mo sa canteen kanina ha?" Hindi ko na mapigilan ang inis sa tono ko.

"Yeah. They're my classmates"saad nya.

Napakagat nalang ako ng labi at umiwas ng tingin. Damn! Jealousy is striking me right now!

"We're just going to review, yun lang"

"Then go. You don't need to inform me"sabi ko.

"Why wouldn't I? You are my girlfriend"

"Hindi naman ako maghihigpit, you can do whatever you want"

"Really? I can?" Taas kilay nyang sabi.

"Yeah. Just do whatever you wanted to do-" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng isandal nya ako sa book shelves at mariin akong hinalikan.

✔The Playboy S.AWhere stories live. Discover now