Chapter 36

1.4K 48 1
                                    

Napansin ko na kanina pa nakangiti si Kyle, ewan ko ba kung anong meron sa kaniya, basta ang weird nya ngayong araw.

"May gagawin ka ba mamayang lunch?" He asked.

"uh..kakain?"sagot ko.

"Of course"natatawang wika niya.

Napataas ang kilay ko sa mga ikinikilos niya. "O...kay? Ang weird mo, bakit nakangiti ka dyan?"taas kilay kong sabi.

"Nothing. It's just... a good day I think. Isn't it?" Saad nya.

"Ewan ko sayo" sabi ko at napairap.

Natawa na naman sya sakin at umiling iling. He's really weird today. Well, bahala siya siguradong kung ano ano na namang ideya ang pumapasok sa utak niya.

Nang makarating kami sa school ay naghiwalay kami ng landas sa school ground. Sa gym ang punta niya samantalang ako ay tinext ni Min na pumunta daw sa garden. Nang makarating doon ay naabutan ko sina Min at Jett na busy sa pag gawa ng explosion box.

"Anong meron?" Sabi ko at naupo sa kanilang gilid.

"Ruan! Good thing you're here, tumulong ka" bakas ang excitement sa boses ni Jett. Samantalang si Min ay ngumiwi lang.

"Pass, di ako magaling sa ganyang bagay" wika ko.

"Tch! Damot!"

"Manahimik ka nga jan at gumawa nalang" suway ni Min sa kaniya.

"Yes, boss. Eto naman ang sungit e" nakangusong wika ni Jett at muling nag gupit ng mga papel.

I can see his dedication through his face, at base sa kinang ng mata niya para bang ang saya saya niya. Samantala, si Min naman ay tahimik at seryoso lang.

"Para saan ba yan?"tanong ko.

"Kay Alexa" nakangiting sagot ni Jett.

"KAY ALEXA?!" nagulat ako sa sinabi niya.

"Ang O.A mo naman, oo kay Alexa nga" saad ni Jett.

"S..seryoso Jett?" tanong ko at napatingin kay Min na ngumiti lang ng maliit. Pero hindi niya ako maloloko, I know what's the difference between fake smile and real one.

"Yeah. Kahit ako hindi makapaniwalang magkakagusto ako sa madaldal na yun" napakamot sya sa ulo at parang nahihiya.

Hindi naman ako makapagsalita. Ewan ko, I feel happy for Alexa dahil alam kong may feelings sya kay Jett but Min.. I don't think she's okay.

Nang tumunog ang bell ay nag pack up na ang dalawa at ipagpapatuloy nalang daw mamaya. On our way to classroom, sinadya kong paunahin si Jett sa loob para makausap si Min.

"Min"

"Yes?" She smiled.

"Min stop smiling if you're not happy" nawala ang ngiti niya dahil sa sinabi ko.

"Alam mo? Panira ka"

"Hindi ako manhid, Min. I know you like—"

"Stop"

"Are you torturing yourself? Bakit hinahayaan mong masaktan ang sarili mo?"

"Then what do you want me to do?"

Hindi naman ako nakasagot. Actually kahit ako hindi ko alam. Mahirap ang one sided love lalo na kung sa sarili mo pang kaibigan.

"Akala ko mapapansin na nya ako lalo na ngayong partner ko sya sa cotillion. Akala ko mapapansin nya ako kapag pinakita ko yung galing ko sa explosion box. Pero yun pala para rin sa ibang babae yung ginagawa ko" saad nya at biglang lumuha.

✔The Playboy S.AWhere stories live. Discover now