Chapter 51

1.2K 31 1
                                    

The tension.. I can feel again the tension.

Napansin ko ang paghigpit ng kapit ni Rein sa box. Nararamdaman ko ang hindi magandang aura na unti unting bumabalot sa kanya.

"Ruan, let's go" he said coldy at hinawakan agad ang kamay ko.

"Wait a minute"nagsalita agad si Maam Katherine.

"Narinig ko ang mga parangal na binigay mo sa school na 'to, I am so grateful to hear that, Rein"

Lumapit sya kay Rein, she's smiling at him so genuinely pero sinadya ni Rein na hindi magtagpo ang mga mata nila.

"Thanks for the appreciation. We're leaving" may pagpipigil ng emosyon sa tono nya.

"Just a minute. As I have said, I am so much grateful to you as well as Ruan because she helped me last time. For my gratitude, I want to invite the two of you for dinner at my house later. What do you think?"nakangiti nyang saad.

"I'm sorry, we're not interested. We're leaving" hinila ako ni Rein pero pinigilan ko agad sya at umiling iling.

Kumunot ang noo niya sa akin at tinaasan pa ako ng kilay.

Nakakahiyang tanggihan si Maam Katherine, mabait sya at sya pa ang may ari ng school na 'to. How can he reject her?

"Then ask me any thing that you want! a free tuition fee here? A couple trip with Ruan? Any material things? A car? Do you want a car? Just ask me anything Rein.. I'll give it to you" she pleaded.

Napakunot na ang noo ko at medyo nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Maam Katherine. Kotse? Sigurado ba syang magbibigay sya ng kotse bilang pasasalamat?

Alam kong galante sya pero hindi ko aakalaing mag aalok sya ng bagay na halagang hundred thousand!

"No thanks"malamig na saad ni Rein.

Napatingin ako kay Rein. Kitang kita ko ang kakaibang expression sa mukha nya, may lungkot, inis at galit.

Who's Maam Katherine to him? Bakit ganito nalang ang epektong dinadala nya kay Rein?

"What about money? Do you have money? I can give any amount you want—"

"Will you stop?" Inis na sabi ni Rein.

Napatigil naman si Maam Katherine at napakagat ng labi. Her eyes are so gloom right now that I can't help to think why is she like that.

Does she have something to do with Rein? Magkakilala ba sila? Gulong-gulo na ako.

"I have enough money and I have my own car, my dad is a billionare so I don't need a charity especially from a woman like you"

Nakita ko ang pagkamangha sa ni Maam Katherine, parang natuwa pa sya sa pagsagot sa kanya ni Rein.

"You maybe got all of your dad's feature, but you actually speak like me"

"I don't speak like you. I speak in own way. Don't ever compare me to yourself" he said seriously.

"You've grown a lot Rein... Look at you, you're a handsome young man now"saad ni Maam Katherine at parang proud pa sya kay Rein.

"Stop talking to me. Stop sounding like we know each other, cause we didn't" Rein said coldly at nilagpasan agad namin sya.

Hindi ko alam ang nangyayari ngayon, wala akong ideya kung anong meron sa pagitan nilang dalawa. Pero ang naiintindihan ko lang ngayon... Rein is mad right now.

Hinila nya ako papunta sa pinto pero nagsalitang muli ni Maam Katherine.

"I am still your mom Rein! And you are my son! Every blood running on your veins came from me! How can you talk to me like that?!"

✔The Playboy S.AWhere stories live. Discover now