Chapter 24

1.7K 39 1
                                    


"Rein! Look at the sunrise!!" Tumabi naman sakin si Rein at inakbayan ako.

"Beautiful isn't it?"tanong ko.

"*yawn* yeah"inaantok pa sya kaya hindi nya masyadong maappreciate ang sunrise.

Well it's 5:30 in the morning at kasalukuyang nakasakay kami sa yate. Sinabi niya kasi na may price daw ako kapag nanalo siya sa competition diba? Yes ito yun, sinama nya ako sa celebration trip nila. Galante at mayaman kasi ang may ari ng school namin kaya sa bawat competition, nililibre nya ang mga students nya sa isang mamahaling resort bilang thank you sa pagbibigay karangalan sa school nya.

Well I never met the owner of our school. Pero mabait sya. On the other hand, nararamdaman ko na ang mabigat na ulo ni Rein sa balikat ko. Inaantok pa kasi ang mokong na'to.

"Rein, bumalik ka sa kwarto kung inaantok ka pa"

"Hmm.. yoko"saad nya at sinubsob ang mukha nya sa leeg ko.

Napailing nalang ako. Ang kulit ng lalaking 'to. Ilang oras din ang byahe namin hanggang sa makarating kami sa private island. Nagsibabaan na kaming lahat pati ang mga schoolmates namin na kasama sa competition pero bigla akong hinila ni Rein papalayo sa kanila.

"Uy! Bakit tayo lumayo? Ayun yung hotel oh" takang tanong ko.

"Hindi tayo sasama sa kanila"

"Huh?"

"Dun tayo sa bahay namin" I blinked twice. Bahay? May bahay dito sina Rein?

"H..huh?"

"Psh. Ano ba Ruan? Puro ka huh? Tara na" hinila na nya ako at dumaan sa bridge na karugtong ng isa pang maliit na island.

Natanaw ko ang isang malaking mansion sa gitna ng isang maliit na isla.

"Uh..this island is ours if you wanna know" he volunteered the information.

"Wow.. may sarili pala kayong isla.."manghang sabi ko.

"Actually last summer dito ako nag bakasyon. I'm sure you'll enjoy it here"saad nya.

Nang makarating kami sa mansion ay isang matandang babae ang sumalubong sa amin. Caretaker daw sya ng mansion.

"Young master, ilang buwan narin ng huling bumisita kayo dito"magalang na bati ng matanda.

"Hi manang Hilda, it's nice to see you. Anyway this is Ruan, my girlfriend"

"Kumusta Ruan, kinagagalak kitang makilala"ngumiti sa akin ng matamis ang matanda and I smiled back too at nagmano sa kanya.

"Ako din po"

"Kaawaan ka ng Dyos. Young master, handa na po ang kwarto nyo, kung may ipag uutos kayo ay tawagin nyo lamang ako"

"Copy that. thanks Manang"

Dinala namin ang gamit namin sa kwarto. Nagtaka nga ako dahil iisang kwarto lang ang pinasukan namin.

"Hindi tayo magkahiwalay?"

"Bakit pa? We already slept together, sa library.. sa condo... remember?" nakangising sabi nya at kinindatan pa ako.

"Whatever"sabi ko at umirap.

"You can go around the mansion. Matutulog muna ako"sumalampak sya sa kama at nagkumot.

"How ungentleman you are, hindi mo manlang ako ito-tour?"sabi ko.

"Eh..inaantok pa ako eh" he murmured like a child.

"Bakit ba kasi antok na antok ka dyan ha? Ano bang ginawa mo kagabi?"

"I've watched some videos"sabi nya.

✔The Playboy S.ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon