Chapter 11

2.1K 55 1
                                    


Kanina ko pa binabantayan ang orasan habang nagpupunas ng shelves dito sa library, 4:25 pm na at hinihintay ko na pumatak ang orasan sa 4:30. Palinga-linga sakin si maam librarian dahil kanina pa ako hindi mapakali sa pwesto ko. Bakit ganun? Napakatagal ng 5 minutes?

"Sige na, umuwi kana at kanina ka pa hindi mapakali dyan" saad ni maam kaya bigla akong napangiti.

"Talaga maam?!"

"Oo nga. Basta ikamusta mo ako kay Rein ha"

"Opo maam!! Thank you!!" Nagmadali na akong kunin ang bag ko at lumabas ng school.

Hindi pumasok si Rein dahil sa nangyari kahapon. Kaya naman gusto ko syang kumustahin ngayon. Dumeretso ako sa condo nya, nakapunta narin naman ako dito kahapon kaya alam ko na ang room number nya.

Room 16, nang makarating ako sa harap ng pinto ay pinindot ko na ang password at pumasok. Sumilip muna ako bago tuluyang pumasok.

"Rein?" Malinis sa bahay si Rein, hindi nga ako makapaniwala na napaka organize nya sa bahay.

"Hey.. I'm here.." nakita ko syang nagpapakain ng alaga nyang isda sa gilid ng sala. Ngumiti sya sakin saglit tapos pinagpatuloy ang ginagawa nya.

Expected nya na pupunta ako dito, nagvolunteer kasi ako na magluto para sa kanya dahil alam kong masakit ang katawan nya para gumalaw.

"Meow..." medyo nagulat ako ng may malambot na kumiskis sa paa ko. Tatlo silang kuting na puro black pa ang kulay.

Napangiti ako sa kanila at isa isa kinamot ang ulo nila. Oo, sila yung pusang pinayungan noon ni Rein, inuwi nya sa bahay nya dahil naaawa daw siya.

"Kapag lumaki 'tong mga pusa, kawawa 'yang isda mo"saad ko bago tuluyang pumasok.

"Nah. They won't, ilang days na sila dito at friends na sila ni garfield"sabi ni Rein.

"Garfield?"

"Garfield. Yung isda ko"

"Eh? Diba pusa si Garfield?"

"So what? Gusto ko Garfield eh"sagot nya.

"Garfield... so yung pusa Nemo naman ang pangalan ganun?" Taas kilay kong sabi.

"Yup! The bigger one is nemo, the female one is Dori, and the other one, the is..."

"What?"napataas ako ng kilay dahil ang tagal nyang sumagot.

"Ruan!"lumaki ang ngiti ng sabihin nya ang pangalan ko.

"Pinangalan mo ako sa pusa?"

"What's problem with that?"

"Hindi ka manlang nagpaalam?! Ang kapal mo din ah"

"'Don't care, basta the cutest one is named Ruan.. at isa pa...ikaw ang baby ko so it is not confusing kung tawagin ko man syang Ruan. Right baby?" ngumiti sya ng pilyo sakin kaya napairap ako sa kawalan.

"Ewan ko sayo, magluluto na ako" saad ko.

"Okay baby...galingan mo"ngumiti na naman sya. Nangaasar ba ang lalaking 'to?!

Nagsimula na akong magluto, simpleng adobo lang ang lulutuin ko para sa kanya. Pinapaburan ko si Rein ngayon dahil alam kong kasalanan ko ang nangyari sa kanya, at isa pa, gusto ko rin syang alagaan dahil alam kong mag isa sya dito.

Kasalukuyan akong naghihiwa ng mga ingredients ng pumasok si Rein sa kusina at humalumbaba sa counter. Nakangiti na naman ang loko at parang may iniisip na kung ano.

"Ano na naman yun?"mataray kong sabi.

"Wala. You're just....so beautiful"saad nya at binigyan ako ng napakagwapong ngiti.

✔The Playboy S.AWhere stories live. Discover now