Chapter 19

1.6K 42 30
                                    


Napadilat ang mata ko at bumungad sakin ang kulay puting kisame na may napakagandang chandelier pa sa itaas.

Narealize kong nakahiga pala ako sa isang malambot na kama, hindi ako familiar sa lugar na'to kaya naman agad akong napabangon.

Napansin kong iba na ang suot ko. kung kanina ay nakauniform ako, ngayon ay isang off-shoulder red cocktail dress na ang suot ko. Fudge! Sinong nagpalit sakin ng damit?!

Napansin ko din na naka make up ako dahil may salamin sa gilid ko. Sinong nag make up sakin?! Hindi ako nag m-make up! Pero infairness, hindi ko maitatangging ibang iba talaga ang itsura ko ngayon! Lalo akong gumanda! Wahahahaha!

"Gising na po pala kayo maam. Tara na po, kanina pa nila kayo hinihintay"

"Huh? Sino?" Nagtataka kong tanong.

Hindi sumagot ang babae, imbes ay ngumiti lang sya. Wala akong ibang ginawa kundi sumunod sa kanya, gusto ko narin malaman kung sino ang may pakana nito.

Nilandas namin ang napakagandang hallway ng lugar na 'to. Puro white and gold and theme ng paligid. Napakalaki ng bahay, sa totoo lang ay isa itong mansion!

"Dito po tayo.."

Bumaba kami sa engrandeng hagdan na akala mo ay pang royalty ang dating, may mga litrato na nakasabit sa dingding. Isa na dun ay yung isang family picture na napakalaki. May napakagwapo at napakagandang lalaki at babae na nakaupo sa upuan habang yung isang batang lalaki ay nasa gitna nila at nakangiti.

Napansin kong hawig nya si Rein, teka nga?! Sya ba ang lalaking 'to?!

Hindi ko na nagawa pang magtanong ng dalhin ako ng babae sa isang silid. Ang dining area, may napakahabang mesa sa gitna nito at napapalamutian ng mga candlelights at makinang na table cloth.

Wow.. kanino ba ang bahay na 'to?! Sobrang gara at ganda dito!!

"I'M ASKING YOU! WHERE IS SHE?!"

"Kumalma po kayo young master! Nasa mabuti po syang kalagayan—"

"WHERE IS SHE?! I WANT TO SEE HER RIGHT NOW!! ANONG GINAWA NYO SA KANYA?!"

Napatingin ako sa pinto ng marinig ko amg pamilyar na boses ni Rein na nakikipagtalo. Gosh, ngayon ko lang sya nakitang ganito kagalit.

"IF YOU DIDN'T SHOW HER UP I'LL FIRE YOU RIGHT AWAY—"

"REIN!"

Napatingin agad sakin si Rein at tumakbo.

"Ruan!!" Niyakap nya ako ng mahigpit na akala mo hindi kami nagkita ng ilang taon. Niyakap ko rin sya, akala ko kasi na kidnap ako!

Pero diba yun nga ang nangyari? Na kidnap ako?

"Damn! I'm so worried about you! akala ko—" he stop for a moment and stare at me.

"Rein? Bakit?"nagtataka kong sabi.

"Y..you look so gorgeous"he said.

Agad namula ang pisngi ko sa sinabi nya. Fudge! Is it his nature to make me blush?!

"Young master, nandito na po si Master Roger. Maupo na kayo sa dining"

Nagulat ako ng makita yung lalaking naka amerikana kanina. Ngumiti naman sya sakin na akala mo ay magkaibigan kami.

"Ikaw! Ikaw yung laging nakasunod sakin! Kinidnap mo ko!!"sabi ko at timuro sya.

"Jeff?! So it is you! How dare you do this to her?!"inis na sabi ni Rein.

"I'm sorry young master, sumusunod lang po ako sa utos ng boss ko. Sorry Ms.Ruan"yumuko sya at humingin ng tawad.

Well, kung totoong masama sya baka sinampal ko na sya ngayon pero mukhang mabait sya sa inaakala ko.

✔The Playboy S.AWhere stories live. Discover now