Chapter 53

1.1K 36 4
                                    

Pagpikit ko ay nararamdaman ko ang pagkalapit ko sa bingit ng kamatayan. Nailabas ko na ang huli kong hininga ng maramdaman ko ang matatamis at malalambot na labi sa akin at muli akong binigyan ng hangin.

Muli ako napadilat at naaninag si Rein na syang humalik sa akin para bigyan ako ng hangin. He place his arms around my waist and pull me up while kissing me. Hindi ako makapadyak sa sarili kong paa dahil nananakit ito. But Rein manage to carry me immediately and bring me out of the water.

"Aahh!!" Pareho kaming napahinga ng malalim ng makaahon sa tubig.

Madalian akong iniakyat ni Rein sa gilid ng swimming pool. Pagka ahon ay tsaka ko palang naramdaman ang matinding takot at kaba. My heart is beating so damn fast and I started to cry.

"Damn it! Who the f*uck did this to you?!" Niyakap ako ni Rein ng sobrang higpit.

Hindi ako nakasagot dahil nanginginig ako sa takot. Akala ko talaga, mamamatay na ako kanina. If it weren't for him, baka wala na ako sa mundong ito.

"Sshh.. baby. Talk to me please! Tell me what happened! Who the hell did this!?"he tried to calm himself but even him can't control his tone.

"I..I don't know. S..someone push me"yan nalang ang nasabi ko.

Masyadong nakakapanghina ang pagkawala ng oxygen kahit ilang segundo lang. Kasama pa ng paa kong kasalukuyang namamaga.

"F*ck that person! Sorry I'm late baby.. sorry.. sorry.." he kiss my forehead and hug me again.

Pareho kaming basang basa ni Rein. Yung bagong suot nya kanina ay nabasa na naman.

"Are you hurt? Baby tell me where it hurts.."nag aalala nyang sabi.

Tinuro ko naman ang paa ko na tumama sa handrail kanina. Namaga ito dahil nagasgas pa sa gilid na bakal. Dahil dito ay hindi ko maigalaw ang paa ko dahil sa lakas ng pagkakatama.

"Ipapadala kita sa hospital"

"W..wag na—"

"No! I'll bring you to the hospital!"medyo napasigaw sya sakin pero ng marealize nya ay agad nya akong niyakap.

"Baby I am so much worried about you. Sorry.. sorry I wasn't here to protect you.."he said and kiss my forehead.

"S.sorry for making you worried"nanghihina kong sabi.

"Sshh.. rest yourself. I'll just make a phonecall" Saglit syang tumayo at kinuha ang bag nya sa kabilang side ng swimming pool. Agad din naman syang bumalik at tumawag.

Rein lift me up with a bridal style pagkatapos ng tawag. Pinagtitinginan kaming dalawa sa hallway kaya bigla akong nag alala para sa amin.

"R..Rein.. baka maghinala si—"

"Psh. Stop talking. Just rest yourself"he said at dire-diretso lang.

Paglabas namin ng school ay agad na sumalubong ang isang kotse. Ang butler na si Jeff and nandoon at tinulungan kaming makapasok.

Binigyan nya agad kami pareho ng tuwalya. Binalot naman ako ni Rein sa tuwalya at pinunasan ang mukha at buhok ko. Nakayakap lang ako sa kanya dahil nanghihina parin ako.

Pagdating namin sa hospital ay binigyan agad ako ng oxygen at ginamot ang paa ko. Rein already changed his clothes into a dry one. He is always holding my hand hanggang sa maging okay na ang kondisyon ko.

"Ruan anak!" Dumating naman si mama at agad na hinawakan ang kamay ko.

"Mommy, sorry po hindi ko binantayan ng maigi si Ruan.."paumanhin ni Rein.

"I know it wasn't your fault anak. Ang mahalaga maayos na si Ruan.."tinap ni mama ang shoulder nya.

Napansin ko naman ang pag iisip ng malalim ni Rein. I held his hand kaya bigla syang napatingin sakin.

✔The Playboy S.AWhere stories live. Discover now