Chapter 33

1.2K 35 1
                                    

ITO ANG UNANG BESES na nakaramdam ako ng sobrang heartbreak. O.A man sabihin pero pakiramdam ko para gugunaw na ang mundo ko.

Siguro ganun talaga kapag mahal mo na ang isang tao tapos iniwan ka nalang nya bigla.

Binuhos ko ang iyak ko kagabi, madaling araw na nga ako nakatulog. Pumasok ako kahit namamaga ang mata ko. Naka sunglass tuloy ako.

"Hindi naman mataas ang araw no?" pangaasar sakin ni Jett ng nakasalubong ko sya.

Hindi ako nakasagot. Ewan, wala ako sa wisyo para makipag asaran.

"Ruan.." malungkot ang boses ni Jett at inakbayan ako.

"Pwede ka umiyak sakin kung gusto mo" saad nya.

Napatingin ako kay Jett, mas nalungkot tuloy ako dahil sa sinabi nya.

"P..pwede ba kitang yakapin? Kailangan ko lang kasi" mahinang sabi ko.

"Psh. Halika nga" niyakap nya ako at sinubsob ko naman ang mukha ko sa dibdib nya.

I really need a hug right now. Nagsimula na naman akong umiyak. Haist! Hindi parin ubos ang mga luha ko?!

"Hays.. tignan mo ang pangit mo! Namamaga yung mata mo oh!"inasar nya ako kaya natawa ako kahit umiiyak.

Inalis nya kasi yung sunglass ko eh.

"N..nakakaasar ka!" Binalik ko ulit yung salamin ko habang sya ay tumatawa.

"Joke lang! Haha, maganda ka parin no"

Napangiti nalang ako ng maliit at pinunasan ang mga luha ko.

"Tarantado yang Rein na yan. Kaklase pa natin yung mayabang at maarte nyang fiance. Pag uumpugin ko talaga sila" saad nya.

"Edi bawas points yung kay Alexa, lalong hindi ka makakaporma?"pagbibiro ko kahit umiiyak na ako.

"Anong bawas point? Pake ko sa pinsan nyang hilaw-Aray!"

Kinurot ko sya.

Maka hilaw ang lalaking 'to! Maganda kaya si Alexa! Half australian sya eh!

"Ikaw na nga kino-comfort eh!"

"Kaibigan ko din si Alexa. Ang ganda ng babaeng yun tapos tinatawag mo lang na hilaw?" sabi ko.

"Psh. O sige hindi na. Maganda lang naman sya. Psh" sabi nya at niyakap ulit ako.

"Salamat sa hug Jett ah? Nakakagaan ng loob" bulong ko.

"No problem. Basta papakopyahin mo ko lagi ah?"

"Haha! Baliw" hinampas ko sya ng mahina at pareho kaming tumawa habang magkayakap.

Pero napatigil kami ng makita sina Rein at Tania, nakakapit si Tania sa braso ni Rein habang nakatingin sa aming dalawa. Napako ang tingin ko kay Rein, kung saan napaka pamilyar ng emosyon ng mga mata nya, ganito ang expression nya kapag nagseselos sya. Parang dumidilim ang mga mata nya.

"Ang aga naman ng PDA nyo dyan" biglang sabi ni Tania.

Napahiwalay ako sa yakap ni Jett at pinunasan ang mga mata ko.

"Tara na Jett" sabi ko at hinila na sya.

"Oh bakit? Nahihiya kayo? It's okay, we often do that. Right Rein?" sabi ni Tania at tumingin kay Rein.

Pero hindi sumagot si Rein. Nanatili lang syang nakatingin sakin suot ang kanina nya pang nagdidilim na mga mata. We are looking at each other for a second until he avoided his gaze.

"Let's go Tania" he said coldy at hinila na agad si Tania.

Inunahan nila kami at nilagpasan. Nakaramdam na naman ako ng pagtusok sa dibdib ko habang sinusundan ko sila ng tingin papalayo.

✔The Playboy S.AWhere stories live. Discover now