Chapter 29

1.4K 34 0
                                    


"Uh.. I'll get some too"sabi ko at sinundan si Rein.

Pagdating ko sa kusina ay umiinom na sya ng tubig. Tumingin sya sakin saglit pero binalik nya ulit ang tingin nya sa tubig.

"Here.." binigyan nya ako ng tubig tapos nilagpasan agad ako. Pero hinila ko ulit sya at nilambing ng yakap. Nako... ang seloso na naman ng isang 'to.

"Uy... bakit?" tanong ko.

"Anong bakit?"he raised his eyebrows.

"Sus.. ano nga? Nagtatampo ka na naman?" sabi ko.

"Psh.." Napairap sya at huminga ng labas sa ilong.

"Did you really into that guy before?" Wika niya ng may inis.

"Well.. oo. Pero elementary pa kami nun, ano ka ba" sabi ko.

Napairap sya sakin at sumimangot.

"Puppy love mo sya noon?" Parang bata nyang sabi at nakanguso pa.

"Yes I guess? kasi crush ko sya noon" Tumungo naman ako kaya mas sumimangot na ang mukha nya.

"So he's the first person who made you happy before? Sya ang unang nagpakilig sayo? yung unang gusto mong makasama? Yung una mong pinangarap?"

Hindi naman ako nakapagsalita sa sinabi nya at napanganga nalang.

Seryoso? kinaseselosan nya ang mga bagay na yun?

"Yes, but that's—"

"Dun kana sa crush mo" tinalikuran nya ako pero hinila ko ulit sya pabalik.

Kinagat ko ang lower lip ko dahil gusto ko ng matawa sa kanya. Ang cute cute nya na naman kasi!

"Rein, ang pabebe mo na naman" natatawa kong sabi.

"I thought I am your all first. Akala ko lang pala" nakasimangot nyang sabi.

"Bata pa naman kami nun! Eto naman parang tanga, nagseselos agad parang yun lang?"

"Dapat kasi noon pa tayo nagkakilala eh! Bwisit.." umirap sya sakin at mukhang badtrip talaga sya.

Hala? Seryosohan ba 'to? Naiinis sya sa tadhana at ngayon lang kami nagkita?

"Naiinis ka ba kasi nauna kong nakilala si Kyle o dahil naging crush ko sya noon?"

"Both! Nakakainis dahil may nauna pa pala sakin dyan sa puso mo, tapos mas matagal nyo pang nakasama ang isa't isa ng Kyle na yun!" inis na sabi nya at nagpout pa.

"Rein, childhood friend ko sya. Tsaka dati pa yun at hindi yun seryoso. Bakit ka pa magseselos 'e boyfriend na nga kita?" Taas kilay kong sabi.

"Hindi lang naman yun yung pinaka kinaiinisan ko eh!"

"Eh ano?"

"Yung sabay kayong maligo ng nakahubad dati!"

I bit my lower lip trying not to laugh pero hindi ko na kinaya at natawa na ako ng sobra.

"HAHAHA!!"

"Anong nakakatawa don ha?" pinagningkitan nya ako ng mata.

"'E kasi ang cute mo! Haha!" naiiling kong sabi.

Napasimangot naman sya at nag rolled eyes sakin.

"Bahala ka nga" aalis sana ulit sya pero niyakap ko agad sya at mabilis na hinalikan sa labi.

"Wag ka ngang magtampo na parang bata dyan! Ikaw na nga ang crush ko diba? Mahal pa nga 'e" sabi ko pero hindi parin maalis ang simangot sa mukha nya.

"Tch!" He crossed his arms at inismiran ako. Nako ang pabebe talaga.

✔The Playboy S.ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon