Chapter 63

1.1K 34 3
                                    

Muli akong bumalik sa bahay kasama ni mama. Si Tita Katherine ay sinugod sa ospital, mabuti at sa tagiliran lang sya tinamaan kaya naagapan agad ang kalagayan nya. Pero kailangan nya parin manatili doon hanggang sa maging fully recover sya.

"Aalis na po ako ma"saad ko kay mama.

Hindi naman nya ako tinignan at inurong nalang sa akin ang lunchbox ko.

Ilang araw na simula ng matapos ang insidente sa hotel ni tita Katherine, medyo naging malamig sakin si mama. Alam kong hindi nya pa ako napapatawad sa ginawa ko.

"Salamat ma"saad ko ulit.

Hindi nya manlang ako tinitignan at nasasaktan ako sa pakikitungo nya sa akin ngayon.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap ko agad sya.

"Ma... s..sorry po sa nangyari. H..hindi ko na po uulitin yun. Pansinin nyo naman po ako. Hindi ko kaya na ganito tayong dalawa.."malungkot kong sabi.

Sa wakas ay napatingin sya sakin at bumuntong hininga.

"Anak, gusto kong magkatuluyan kayo ni Rein pero hindi kita tinuruan na maging pabaya at padalos dalos ang desisyon!"

Napayuko ako sa sinabi nya. Nagiguilty ako dahil sa ginawa ko sa kanya.

"Bakit ka nagtago ng sikreto huh? Wala akong kaalam alam sa mga nangyayari sayo Ruan! Alam mo ba kung gaano ako nag aalala sayo?!" Napaluha si Mama at napakagat ng labi.

Hindi ko rin tuloy maiwasan ang luha ko na tumulo.

"S..sorry po"

"Hindi ako hadlang sa inyo ni Rein. Alam mo kung gaano ko sya kagusto para sayo anak. Pero hindi mo ako kailangan iwan huh? Wala na ang papa mo at ikaw nalang ang natitira sakin.0.." niyakap nya ako ng mahigpit kaya ganun din ang ginawa ko.

"S..sorry ma. Patawarin mo ko. Hindi ko na po uulitin"napahikbi ako sa mga bisig nya.

Alam kong namang nag aalala lang sya sakin kaya sya ganito. She really loves me a lot.

"Hay nako, tama na nga. Hindi ako sanay na ganito tayo! Kailangan mo ng pumasok!" Pinunasan ni mama ang luha nya.

Natawa kami pareho at ngumiti sa isa't isa.

"Ruan anak... thanks for saving me. Pero nalulungkot ako sa sitwasyon nyo ni Rein. Pasensya na anak, sana nag ingat ako"

"It's not your fault Ma... at isa pa... I can't do anything about Rein now.. Hindi ko sya kayang ipaglaban sa dad nya"malungkot na saad ko.

"Kaya mo yan anak. I'm sure God has a plan for the both of you"

Napangiti nalang ako ng maliit. Sana nga maganda ang plano ng Panginoon para sa aming dalawa.

Lumabas na ako ng bahay para pumasok pero nagulat ako ng makita ang isang itim na kotse sa harap ng bahay.

"Good morning Honey.." nabato ako bigla ng bumaba ang bintana at sumilip ang daddy ni Rein. Si Richard Anderson.

"Anong ginagawa mo dito?! I told you not ruin my life now right?!"

Natawa naman sya at inalis ang shades nya.

"Ruan honey... I am here to bring you to school"

"At bakit naman ako sasama sayo ha? Hindi ako tanga, alam kong may pagnanasa ka!"

"Haha! Yeah right but I am not in the mood right now. So you are safe with me, at isa pa... kasama ko ang driver ko. Kung may gagawin ako sayo dapat tayong dalawa lang.."sabi nya at ngumisi.

"Umalis kana, at pabayaan mo na ko at ang mama ko!"inis na sabi at tumalikod na pero hinila nya ako bigla papalapit.

Muntik na akong mauntog sa bintana, mabuti at hinawakan nya ang batok ko.

✔The Playboy S.AWhere stories live. Discover now