Chapter 4

2.4K 60 2
                                    

"BASTOS!" Pinaghahampas ko sya sa ulo dahilan para mabilis siyang napabangon mula sa ibabaw ko.

"Aray! Ano ba?! Ang sakit ah!" inis niyang bwelta at humawak siya sa kaniyang ulo habang nakangiwi.

"Masakit? Eto ayan pa! Yan pa! Ha! Ha! Ha! Aaaarrrrggghhh!" Pinagpapalo ko sya ulit dahil sa inis ko.

He shielded himself against me using his arms. Pero sa kabila no'n, pinagpatuloy ko parin ang pagpalo sa kaniya para mailabas ang lahat ng inis ko! He already stole my first kiss! ngayon manghahawak naman siya?! I cannot!

"Hey! Enough na nga! I'm hurting!" reklamo nya at hinuli ang dalawang kamay ko.

I paused and looked at him. Sinalubong ako ng kaniyang pilyong ngiti kaya lalo akong naasar! Grrr!

"Ang bastos mo talaga! Alam mo ba yun ha?! Wala ka bang kapatid na babae at napakamanyak mo?!" inis na sabi ko.

"Wala. Only child lang ako"inosenteng sagot nya.

Pakiramdam ko ay tumaas na ang dugo sa ulo dahil sa sagot niya. Stop me! Kikitilin ko talaga buhay nito ng wala sa oras!

"Bastos ka talaga! Manyak!" Gusto ko siyang hampasin ulit ngunit hindi ko magawa dahil hawak niya ang mga kamay ko.

"Hey.. hey.. let us recall what just happened a while ago okay?" Pinaklma niya ako. "Na-out balance ka at hinila mo ako pababa, oh kasalanan ko ba?" Taas kilay nyang wika at ngumiti ulit ng pilyo.

Sinamaan ko sya ng tingin. Bakit akala nya ba sinadya ko yun?! Kung binigay nya yung libro edi sana hindi ako namanyak ng baliw na 'to!

"At tuwang tuwang ka naman ha manyak?!"

"Well.." Madali niya akong nailapit sa kaniyang sarili dahil hawak nya ang dalawang kamay ko. I felt my hear started to race, para bang nakikipagkarera ito sa sobrang bilis. "Ang liit..."bulong nya ng mahina.

"H..ha?" I blinked twice, hindi ko kasi naintindihan ang sinabi nya.

"You have a small boobs," sabi nya at tumawa.

Napaawang ang bibig ko, awtomatikong gumalaw ang kamay ko para kunin ang librong hawak niya tsaka hinampas sya ng malakas sa mukha.

"JERK!"

Dinig ko pa ang hiyaw niya sa sakit pero hindi na ko nag antala pang intindihan siya. Tumayo ako at tumalikod agad tsaka hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Sobrang init ng mukha ko sa kahihiyan! Nakakainis talaga sya!!

Nagawa nya pang laitin ang hinaharap ko?! Ang kapal talaga ng mukha nya! Alam kong maliit 'to pero hindi niya kailangan pang sabihin sakin!

Sya naman ay tumayo din hawak ang pisngi nya. At base sa kaniyang ekspresiyon ay nasaktan talaga siya, buti nga!

"You just hitted me many times!" reklamo nya sakin. "Ang ayoko sa lahat yung mukha ko hinahampas!

"Bagay lang 'yan sayo! Manyak ka kasi!" inis na sabi ko.

His eyes squinted and then smirked after a second.

"Na-offend ka siguro sa sinabi ko no?"

"Anong na-offend? Pakielam ko ba sa opinyon mo?" Pagtataray ko with matching taas pa ng kilay.

"Sus, mukha kang nagtatampo. Sorry na.." He pouted trying to be cute.

Di ko maiwasang mapatitig sa kanya. Sa sobrang lambing ng boses nya ay biglang may pumasok sa isip ko na para kaming mag jowang naglalam bing sa isa't isa pagkatapos ng away-Wahh! Ruan ano ba yang utak mo!!!

"H..hoy t..tigilan mo ko--"

"I don't care if you have that size, that doesn't measure the beauty of a woman, so it doesn't matter" ngumisi sya.

✔The Playboy S.ATempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang