Chapter 21

1.7K 37 3
                                    

Halos magtinginan na sakin ang nga tao dahil sa lakas ng boses ko.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng marinig ko yun. No way...

Hindi sya pwedeng mapahamak!

"Miss. I am his girlfriend! saang ospital sya dinala?!"

"Sa ***** ospital po-"

Binaba ko na agad ang tawag at inayos ang gamit.

"What happened to him?!"kahit si Alexa ay nagpananic narin.

"Nasa ospital si Rein, naaksidente daw"

"WHAT!?"

"Let's go! Hurry!"

Lumabas na kami sa SB at tinungo agad kung saan nakapark ang kotse ni Alexa. Nagtungo agad kami sa ospital at hinanap si Rein.

"Miss may dinala po ba ditong pasyente kani-kanina lang?"

"Marami pong dinadala dito na pasyente maam pasensya na po"

Nagtanong tanong pa ako sa mga nurses at doctor pero hindi nila maturo kung nasaan si Rein. Ako nalang ang naghanap sa kanya, pinuntahan ko ang bawat kwarto.

Magkahalong kaba at pag aalala ang nararamdaman ko habang tinitignan lahat ng mga taong dinadaanan ko, nagbabakasakaling si Rein yun.

Tinignan ko na lahat ng kwarto pero wala parin akong makita, nagsimula naring tumulo ang mga luha ko at nanghihina narin ang tuhod ko.

"Rein!! Where are you?!"inis na sabi ko.

"Tignan ulit natin sa iba! baka hindi lang natin sya nakita!"natataranta narin si Alexa at hinila na ako.

"Rein!! Rein please.. magpakita ka" Nag check ulit kami sa mga kwarto pero hindi parin namin sya makita.

"Rein!! Rein please! Show up yourself! Rei-"

Nagulat ako ng may humila sa akin. Natulala ako ng makita si Rein sa harap ko at may bandage sa braso. May ilan din syang maliliit na sugat sa katawan.

"Ruan?" hindi ko na napigilan ang sunod sunod na patak ng aking mga luha ng tawagin nya ang pangalan ko.

Agad ko syang niyakap at napahagulgol sa dibdib nya.

"I love you...I love you.. I love you Rein.."yan nalang ang nasabi ko sa kanya.

Akala ko talaga mawawala na sya sakin. Sa sobrang pag aalala ko, hindi ko na alam ang mga pumapasok sa utak ko.

"Sshh.. I love you too.. baby stop crying. Baka isipin ng iba na pinapa iyak kita"

Mas hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya, ayoko syang bitawan, pakiramdam ko baka mawala nalang sya sakin bigla.

"Rein!! Thank God you're still breathing! Natawagan namin ang number mo at sinabing naaksidente ka daw! We're so worried about you!"saad ni Alexa.

"I'm sorry.. I left my phone kaya hindi ko kayo natawagan agad"

"Baby.. I'm sorry for making you worried" bulong nya sakin at hinalikan ang buhok ko.

"Ano bang nangyari?! Sabi ng babae kanina sa phone nabangga daw yung kotse mo?!"tanong ni Alexa.

"I wasn't the one driving. It's my classmate Janet, may motorcyle na nag overtake kaya hindi agad nakapreno si Janet. Nabangga tuloy kami. Nasa private room na si Janet at si Hannah, sila ang mas napuruhan since nasa driver's seat at passenger's seat sila. Nasa likod ako nakaupo kaya minor injury lang ang nakuha ko"mahabang paliwanag ni Rein.

I silently thank God for keeping him safe. Nakayakap parin ako sa kanya habang nakikinig kanina sa paliwanag nya, naramdaman ko ang paghigpit ng yakap sakin ni Rein at hinalik-halikan ang tuktok ng ulo ko.

✔The Playboy S.AWhere stories live. Discover now