Chapter 8

2.1K 47 7
                                    


MONDAY NA NAMAN. Isa sa pinaka mahirap na pinagdaraanan ng mga estudyante ay ang pagpasok ng monday. Alam mo yung may weekend sick ka pa? Parang oras lang yung nagdaan imbes na dalawang araw.

Anyway, sa ngayon ay papasok ako sa school sakay ng bike ko. Nang makarating sa harap ng school, pinark ko ang bike ko at kinadena sa gilid tsaka ako naglakad papasok.

"Baby!" Nagulat ako nang may umakbay sa akin. At base sa kaniyang boses, alam ko na agad kung sino siya  Tss, si Rein Anderson.

"B..bumitaw ka nga! Ang daming nakatingin oh!" Inis na sabi ko at tinanggal ang kamay nya.

"So what?" aniya at binalik ang kamay nya sa balikat ko.

"Rein!"

"Ouch!" kinurot ko siyabsa tigiloran para tantanan niya ako. Kasi naman ka aga-aga nambubwisit na naman siya. "You don't have to be so cruel!" Reklamo nya at nag pout pa.

"Ang kulit mo kasi eh" umirap ako sa kanya.

"You know what? You're not as ladylike as you look like. You're a sadist"

"Ah ganon? Gusto mong makatikim ng sapak ko ha? Playboy?"

"Don't wanna. Kiss nalang pwede pa" he grinned at tinaas taas pa ang kilay nya.

"Ikaw—"sasapakin ko sana sya pero hinilamos nya ang palad nya sa mukha ko!

"Argh! Ano ba!"inis na sabi ko.

Natawa sya.

"Anyway, nagpractice kana ba?"

"Practice? Practice saan?"

"Sa paghalik. Di ka marunong eh—Ouch!"binatukan ko sya bigla.

Agad na namula ang mukha ko sa sinabi nya. Minsan talaga nakakabaliw na ang pagkamanyak ng playboy na 'to eh!

"Practice mo mukha mo! Bastos ka talaga! Manyak!" Inis na sabi ko.

"Psh. Ako pa daw, nakalimutan mo na bang you stole a kiss from me back when we're on the library last time?"nakangisi nyang sabi.

Sinamaan ko sya ng tingin dahil nagsisimula na naman syang mang asar.

"You—"dedepensa sana ako pero pinutol nya ang sasabihin ko.

"Try me baby... argue with me"pag cha-challenge nya.

Nagngitngit ang mga ngipin ko dahil alam kong talo na ako sa pag uusap naming 'to. Bakit kasi hinalikan ko sya nung araw na yun?!

"Leche ka"yan nalang ang nasabi ko.

"Haha! you want me to help you baby? Just tell me and I'll teac you how to kiss—"

"Shut up Anderson!!" Inis na sabi ko.

Tumawa naman sya at ginulo bigla ang buhok ko.

"You are really funny Ruan Lacsa!!" Humalakhak sya at binigay sakin ang isang sandwich na nasa ziplock at soy milk.

Napakunot ang noo ko. Binigyan na naman nya ako nito?

"Eat that. Wag kang magpapagutom huh?" Saad nya at ngumiti.

"Hoy, may pinaparating ka ba? Para saan 'tong mga 'to? Nung nakaraan ka pa ah"taas kilay kong sabi.

Napangiti naman sya at kinagat pa ang ibaba ng labi nya na animo'y kinikilig.

"Sus! Alam mo naman kung bakit! Sige, I'll go now" kinindatan nya pa ako bago umalis.

Naiwan ako nakanganga at may malaking question mark sa ulo ko. Ano daw? Anong alam ko na? Ano yun?

✔The Playboy S.ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon