Chapter 45

1.2K 33 6
                                    

*knock*knock*

"Ruan? Ruan?"

Nagising ako ng marinig ang boses ni mama mula sa labas ng pinto ko. Agad akong napatingin kay Rein na nakayakap parin sakin at sobrang himbing ng tulog.

"Ruan! Gumising ka nga dyan! Iniwan mong bukas yung bintana mo kagabi! Ikaw talagang bata ka!"

"Rein! Rein gising!"tinapik ko sya.

"Mmm!!" Pero mas niyakap nya pa ako at idiniin ang sarili nya sakin.

"Arghh! Rein naman, wake up!"

"Psh! Ruan! Bakit ang tagal mo namang magisi-Sus! Ginoo!!" Napatakip ng bibig si mama ng mabuksan nya yung pinto at nakita kami ni Rein.

Nagising narin si Rein medyo nanlaki ang mga inaantok nya pang mata ng makita si Mama.

"Nako! Nako! Sorry! Naistorbo ko yata kayo-"

"Ma! Mali ka ng iniisip!!"sabi ko agad.

"Nako, wag na kayo mahiya.. sige lang tuloy nyo yan! Hihi!"

"What the-"

Lumabas agad si mama ng pinto ng may malaking ngiti sa kanyang labi. Nasapo ko naman ang noo ko at umiling iling tsaka napatingin kay Rein na nakangiti sakin.

"Baby.. tuloy daw natin?"nakangisi nyang saad at nagtaas taas ng kilay.

Sinamaan ko sya ng tingin at hinampas ko sya ng malakas.

"OUCH!!"

---

"Oh kumain kayo ng madami ah? Rein naman bakit hindi ka nagsabi na dito ka matutulog?"

Naghahandan si mama ng breakfast. Nasa kusina kami at pinaghain ni mama.

Puro tukso na naman ang natanggap ko. Psh.

"Sorry po mommy, I just skipped to my house actually"he said shyly.

"Oh? Bakit naman?"tanong ni mama.

"Uh.. 'cause I really miss my Ruan mom. Pwede po ba akong matulog dito minsan?"tanong nya.

"Jusko! Bakit tinatanong mo pa! Kahit dito ka pa tumira pwedeng pwede!"sabi ni mama.

Napangiti naman si Rein at tinignan ako tapos tinaas taas nya yung kilay nya sakin. Napairap ako at umiling iling.

Bakit ba parang sila pa yung mag nanay?

"Rein.. ano sa tingin mo yung nabuo nyo kagabi? Baby boy o baby girl?"

*cough*cough*

Nabulunan ako sa sinabi ni mama at napainom agad ng tubig.

"Ma! Sabing wala nga kaming ginawa!!"inis na sabi ko.

Natawa naman si mama at nag roll eyes sakin ng 'whatever'

"Ruan naman, napagdaanan ko na yan. Kapag may kasintahan, may mga oras talaga na hindi mo mapipigilan ang bugso ng damdamin. Wag kana mahiya.."

"Psh! Eh kasi wala naman talagang nangyari kagabi! Masyado kayong advance mag isip!"saad ko.

"Psh! Dun din yun mapupunta! Basta gusto ko na ng apo Rein ah?"

"Haha yes po mommy, bibigyan ka ng namin ng napaka cute na apo"Rein said and smile.

"Yie! Excited na ako dyan, pero seryoso? Wala pa talagang nangyayari sa inyo?"nakangiwing tanong ni mama.

Nagkatinginan naman kami ni Rein at pareho kaming namula sa tanong ni mama.

Argh! She's so straightforward! At bakit iniintriga nya kami?

"Ma! Yung niluluto mo!!" Nakahanap ako ng excuse, mabuti at nasunog yung hotcake na niluluto nya.

✔The Playboy S.AWhere stories live. Discover now