Chapter 25

1.4K 39 2
                                    


Hindi mawala ang panginginig ko habang nasa harap ng station ng zipline. Ewan ko ba, bata pa ako ng huling sinubukan ko ito pero hanggang ngayon ay sariwa parin sakin yung bad experience ko noon.

"Ruan, you look so pale, are you sure you wanna try this?"tanong ni Rein.

"Oo nga, you can just wait for us Ruan"sabi ni Trina.

Actually ayoko talaga dito, pero dahil sa Tania na 'to napapasabak tuloy ako! Anong akala nya sakin? Bobo? Alam ko naman na gusto nyang makuha ang oras ni Rein sakin! At hindi ko papayagan yun!

"No. I'm good"sabi ko.

"Okay tara na"hinawakan ni Rein ang kamay ko pero ayaw gumalaw ng katawan ko.

"Ruan?"

"Uh.. s..sandali lang" nagsisimula ng mangatog ang binti ko.

Argh! Bakit kasi hanggang ngayon natatakot parin ako?!

"Kung tayo muna kaya ang mag try Rein?"suggest ni Tania.

"H..hindi! Kami na ni Rein!"tutol ko agad.

Napansin ko ang pag ismid nya at tumungo tungo.

"Alright then, tara na"

Pinagsuot muna kami ng harness, si Tania nga ay nagsuot pa ng shirt at jeans dahil naka two piece lang sya, pati narin si Rein, mabuti nga at may extra dun.

Walang problema naman sakin dahil ayos lang ang suot ko. Suot ko na ang helmet ko at nakatali narin ako sa cable at yung heartbeat ko ay palakas ng palakas!

"Baby.."bulong sakin ni Rein at hinawakan ang kamay ko.

"You're nervous? Just hold my hand" hinawakan ko sya ng mahigpit dahil sa tingin ko ay kailangan ko talaga yun.

I saw Tania frowing at us pero hindi ko nalang sya pinansin. Nasa gitna kasi namin ni Rein kaya rinig na rinig nya ang usapan namin.

Hinanda ni Rein ang camera at nginitian ako, pilit akong ngumiti kahit kanina pa ako ninenerbyos dito.

"Okay ready! One! two! three!Go"

Binitawan na kami nung nag a-assist samin.

"WOOOHHHH!!"

Narinig ko ang sigawan nina Rein at Tania, pero sa kalagayan ko ay hindi ako nakasigaw dahil sa kaba.

Napapikit ako dahil sa takot, ramdam ko na umiiksi ang paghinga ko kaya ginagawa ko ang lahat para makahabol sa aking hininga.

Nakaramdam ako ng hilo at nanginginig na ang katawan ko. Kahit malamig ang hampas ng hangin ay pinagpapawisan na ako.

Hanggang sa makarating kami sa kabilang dulo, may sumalo sakin at kahit alam kong nasa kabilang dulo na ako ay hindi parin nagbabago ang status ng katawan ko.

Inalis na ako sa may tali, napapikit ako at napahawak agad sa gilid.

"A..ARAY!"

Nagulat kami ng makababa si Tania, natusok kasi sya sa isang kahoy. Dumudugo ang binti nya kaya nagpanic agad sila.

"Tania!" Agad na lumapit sa kanya si Rein at alalang alala.

"Aray! Huhu! Rein yung binti ko!"

"Calm down, dadalhin kita sa clinic!"

Napatingin naman sakin si Rein at hinawi ang buhok ko saglit.

"Baby... dadalhin ko lang sya sa clinic okay?"he said.

Bago pa ako makasagot ay binuhat na nya si Tania pababa. Ako naman ay nakakaramdam parin ng hilo at namamawis na ako dahil hindi parin ako maka get over sa trauma ko.

✔The Playboy S.AWhere stories live. Discover now