SMDOL : ( m ) Danyel's Move

1.8K 32 2
                                    

SMDOL : ( m ) Danyel's Move

Karrine POV

Nasa loob ako ng isang simbahan, hindi ko alam kung paano ako nakarating dito, nakatayo ako at pinapanuod ang taong pinakamamahal ko na ikinakasal sa isang babae. Kay Krissy.

" Ivan, do you take Krissy to be your wife. Do you promise to be true to her in good times and in bad, in sickness and in health, to love her and honor her in all days of your life? " tanong ng isang pare habang nakatingin kay Ivan. Gusto kong sumigaw at sabihing ihinto ang kasal pero walang kahit anong boses ang lumalabas sa bibig ko.

Naramdaman ko na lang ang biglang pagtulo ng mga luha ko. I am standing in front of my love watching him tied to other woman. How can I just stand here? Bakit wala man lang akong magawa? Bakit parang na-paralyzed ang buong katawan ko?

Hindi na nag-isip pa si Ivan at sumagot agad ito. " I do. " and with that bigla akong nagising sa isang nakakatakot na bangungot.

Halos habulin ko ang hininga ko, napaupo ako sa kama at parang pagod na pagod ako ngayon, nararamdaman ko din ang pawis sa aking noo, panaginip lang. Panaginip lang ang lahat. Napansin ko naman na wala ako sa aking kwarto.

Inilibot ko ang mga mata ko at nakita ko ang isang family picture, family picture nila Danyel. Dito pala ako tumuloy kagabi.

Pilit kong pinupunasan ang mga luha ko, kaya ko ba? Kaya bang malamang ikakasal siya iba? Wala ba akong pagsisisihan? Pero bakit ngayon puro pagsisisi na ang nararamdaman ko. Stupid me! Paano ko maayos ang gulong pinasok ko ngayon?

I shouldn't told him that, dapat hinayaan ko na lang si Luigi na dumiskarte. Magagawan naman siguro niya ng paraan ang bagay na iyon. Dali dali kong inabot ang cellphone ko at i-dinial ang number ni Ivan.

' The number you have dialed is either unattended or out of coverage area. ' ilang beses kong triny pero iisa lang ang palaging sagot ng phone! Unattended or out of coverage area!

Last attempt. Gusto ko siyang makausap. Atleast man lang, malaman ko na hindi siya galit sa akin.

The phone rings simultaneously and finally! After how many trials.

" Hello? " biglang akong naghesitate na mag hello back, hindi si Ivan ang nasa kabilang linya. Babae ang sumagot.

" Eto na ba yung mag-aayos ng wedding gown ko? Kanina pa kita hinihintay-- " hindi ko na pinatapos pa ang sinasabi ng babae. Sino pa ba yun, edi si Krissy. Tinotoo niya na ba talaga? Is he really that serious for breaking up with me?

*shooks head* No! No! Of course not. Mahal ako ni Ivan. Tiisin mo na lang Karrine, babalikan ka niya, makikipag divorce din siya. But what if…things become more complicated, what if he also have feelings towards Krissy. Hindi mahirap mahalin si Krissy. She has beauty and guts to be a Clayton. Sa pustura niya alam mong may ibubuga din ito.

May kumatok naman bigla sa pinto. Pumasok si Danyel na may dala dalang tray ng pagkain. " Should I greet you a good morning or the other way around? " tanong niya ng makapasok siya.

" Thank you for letting me stay. " sabi ko na lang, I'm not in the mood para makipagbiruan sa kanya. Not now that my heart is in a state of calamity.

" Anytime. Malakas ka sa akin. Tapos kana bang umiyak? Nagpa off ako sa trabaho, baka gusto mong samahan akong mag date. Malungkot mag date ng mag-isa. " sabi niya ng naka pout. Nagpapacute ang Lolo mo. How can I resist him? And I need that, I need some break too. Kailangan kong mag unwind para makalimutan panandalian ang mga ka stupidy-han na ginawa ko.

She's My Definition of LOVE (COMPLETED)Where stories live. Discover now