SMDOL : Chapter 45

2.1K 38 2
                                    

SMDOL : Chapter 45

YOL


" Itigil muna nga yan Yol, shet ka naman! Sabi ng masisira yang baga mo kaka sigarilyo, pwede naman mag-inuman na lang tayo. " pilit na kinukuha ni Senjun 'tong sigarilyo ko, hindi ko alam kung ano bang nangyayari sa akin pero sa tuwing naninigarilyo ako ay parang kumakalma ang buo kong katawan, yung tipong nawawala lahat ng problema ko.


" Tara inuman. " pag-aaya ko. Ngumiti naman ng nakakaloko si Senjun.


" Tumigil nga kayong dalawa, panigurado magagalit si Chivaz pag nalaman niyang natulad na tayo sa ibang estudyante ng MU, mga mabibisyo at basag ulo, tama na yan, may pasok pa tayo mamaya. " pag-papaalala sa amin ni Raven, siya ang pinaka bata sa amin, pero kung umasta akala mo pinaka matanda.


" Tsaka ikaw Yol, ano bang nangyari sa'yo at bat nagka ganyan ka? Mukha ka pang tao dati, ngayon katulad mo na lang yung ibang estudyante dito na mukhang patapon. " hindi ko pinansin si Raven, kahit naman sabihin ko sa kanya ang problema ko ay hindi niya ako matutulungan. Walang ibang makakatulong sa akin.


Habang nag-uusap kami ay bigla na lang parang may artistang dumating sa school, halos lahat kasi ng estudyante ay nakasilip sa labas, at yung iba naman ay nagkukumpulan,  lunch break pa naman. Sino naman kaya 'tong dumating at bakit parang sikat? Meron pa bang mas sisikat sa grupo namin?


Nagtingan lang kami nila Senjun at Raven at nagkibit balikat, pare pareho kaming walang ediya sa kung anong nangyayari sa labas, tumayo na kami at naglakad palabas ng room na lagi naming tinatambayan para tignan kung sino man ang tinitignan ng ibang estudyante. Si Chris ang una 'kong nakita kasama niya si Arch, bagong heartthob na ba sila ng MU? Pambihira mas gwapo pa ako sa kanila, mukha lang akong bad boy ngayon dahil napapabayaan ko na ang sarili ko, alam kong nagkukulang ako sa sarili ko at wala na akong pakialam, ano pang silbi ng pagpapa gwapo ko kung alam ko naman ikakasal na din ako.


Balik sa reyalidad, papalapit sina Arch at Chris sa amin, nanlaki na lang ang mata ko ng makita kong may iba silang kasama, at hindi taga MU kung hindi taga PU.


Lumapit sila amin, yung taga PU naka kunot ang noo at nakataas ang kanang kilay. Ang sungit pa din talaga, nagbagong taon na't lahat lahat hindi pa din siya nagbabago.


" And what's with your get up now? You don't even look cool, hindi kaba nandidiri sa sarili mo? " una niya, close na ba talaga kami para puntahan niya pa ako dito sa school ko? Iba na ata talaga nararating ng kagwapuhan ko, napangiti na lang ako at napakamot sa batok. 'Nak pating lang, kahit ganito siya kasungit sa akin ay namiss ko siya, tagal ko din siyang hindi nakita.


" Mas gusto ko ata ng ganitong get up, napapunta nga kita dito ng dahil sa ganitong itsura ko. Aminin mo namiss mo ko no? " pang-aasar ko sa kanya.


" In your dreams. " pagsusungit na naman niya.


Bigla namang sumingit sa usapan si Chris. " Yol bat di mo sinabi na girlfriend mo pala si Lindsay? Ang daya mo, nanliligaw kang mag-isa sa mga taga PU. "


" Sino nagsabing girlfriend ko siya? " sagot ko kay Chris, wish ko lang, mas gusto ko ng maging girlfriend 'tong si sungit kesa magpasakal este magpakasal sa babaeng wala ng ginawa kung hindi ang mag shopping.


" Si Lindsay. " sagot naman ni Arch, kambal nga pala si Chris at Arch, kung hindi mo sila kilala panigurado malilito ka.


" Shut up Chris, wala akong sinasabing ganyan. "


" I'm Arch. " pagtatama niya kay Lindsay.


" I don't care, 'bat kasi magkamukha kayo!? "


She's My Definition of LOVE (COMPLETED)Where stories live. Discover now