SMDOL : Chapter 61

1.9K 32 3
                                    

SMDOL : Chapter 61

Kasama ko si Sam, nasa classroom kami at hinihintay ang pagdating ng prof namin. Lagi kaming magkatabi sa mga subjects na parehas kami. Wala na ngang kumakausap na babae sa akin, ang sama pa ng mga tingin nila sa akin na parang kriminal ako na may pinatay (-_-)

Mabuti na lang talaga at meron pa din yung punishment sa mga students na makikitang nag mamaldita. Kaya naman safe na safe pa din ako.

Bigla kong naalala yung kahapon, bakit nasa loob ng SSC room si Sam?

" Sam, anong ginagawa mo kahapon sa SSC room? "

" I am working as a student council that time. Hindi ko ba nasabi sa'yo na member ako ng student council. " sagot niya na hindi nakatingin sa akin, busy kasi siya sa sinusulat niya.

" Hindi. " tipid kong sagot, ibig sabihin kung member siya ng student council, close niya sina Britt. But i doubt, knowing Britt and he's creepiness, pero malay ko na naman na nagbago na pala siya. Kinausap niya nga ako nung minsan e.

" So close mo sina Britt? "

" No, he never talk to us. " tumango tango ako. Ganun pa din pala talaga siya. Ang labo naman nang taong yun. Paano siya nakikipag-usap sa mga members niya?

" Kahapon, ano palang nangyari? I mean nakita mong nagwawala si Ivan. " nilaro laro ko pa yung daliri ko, feeling ko kasi iba ang iniisip ni Sam. He might be thinking na ang aggresive ni Ivan.

" He really loves you ate. Wag mo siyang hayaang mawala sa'yo, alam kong ma poprotektahan ka niya. He's capable of everything and you're lucky because he loves you. " sagot niya nakaharap sa akin.

" Ha? " taka kong tanong. Ang kaso bigla ng dumating yung professor  namin.

" Good morning class. "

Napakahabang discussion lang nangyari, hindi ko naman na matanong si Sam sa sinabi niya kanina dahil naka focus lang siya sa discussion, at isa pa alam ko namang mahal ako ni Ivan ang nakakainis lang mataas ang pride niya, ayaw niyang natataaasan siya ng iba, gustung gusto niyang ipakita na he's capable of everything pero hindi niya kaya. Kilala ko siya and I know na sa likod ng pagkatao niya ay may isang napakalungkot na Ivan seeking for the love of his family, kaya ayaw na ayaw niyang iniiwan siya ng mga taong napapalapit sa kanya.

Pagkatapos ng klase ay agad na inayos ni Sam ang mga gamit niya.

" Ate mauna na akong umuwi, darating kasi ngayon yung totoo kong ate. Oo nga pala, laban ulit nila Ivan mamaya, be there, huwag mong kalimutang pumunta. " nagmamadali niyang sabi.

Laban? Pero walang sinasabi si Ivan na pumunta ako. Tsaka yung offer ni Ma'am Safari sa akin mamaya din after class.

*sigh*

Anong gagawin ko? Gusto kong maging regular student, pag naging regular student ako magiging classmate ko na si Ivan sa lahat ng subjects niya. Pero pag hindi ako pumunta mamaya sa game nila, pwedeng matalo na naman ang PU. Bakit ba kasi ayaw niyang maglaro! Kaasar naman yung Ivan na yun! Ang daming kaartehan sa katawan!

Umakyat ako sa rooftop para magpahangin at makapag-isip isip na din, gusto ko na sanang kausapin si Ivan na hindi ako makakapunta sa game nila mamaya pero hindi ko siya makita. Hindi siya nagpapakita sa akin ngayon. Nagtatampo na naman kaya yun?

Pagdating ko sa rooftop ay agad akong tumayo sa may railings. Para akong shungang nakatingin sa baba at hinahanap si Ivan. Desperado na talaga ako, para sa ikabubuti ko din naman kung tatanggapin ko yung offer ni Ma'am Safari sasaglit lang naman ako sa office at tatakbo na agad ako sa field para manuod.

She's My Definition of LOVE (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora