SMDOL : Chapter 54

1.6K 33 3
                                    

SMDOL : Chapter 54


Nakaupo lang ako sa upuan sa labas ng bahay nila Chivaz dito sa New Work, they actually have a rest house here, at matagal na ding lumipat ang Mom niya dito, nandito na pala siya mula pa nung pumunta kami ni Chivaz dito sa NY hindi niya lang pinapaalam, at mula pa nun lagi siyang nakabantay kay Chivaz, nasa malayo at pinagmamasdan ang kanyang anak.


Simula ng dalhin si Chivaz dito sa kanila ay hindi ko pa siya nakikita. Kahit sa Hospital hindi ko siya magawang tignan.


Bumakas ang pinto ng bahay at lumabas si Ate Julien na may dalang papel. Lumapit siya sa akin at tinabihan ako.


" Siguro ka bang hindi ka muna uuwi. Nag start na din ang pasukan sa Pilipinas pwede ka pa namang humabol. " tinignan ko siya at umiling. Uuwi na din kasi sila bukas, they decided na ilibing si Chivaz sa Pilipinas. Ayaw ko munang umuwi, hindi ko kayang tignan si Chivaz na inililibing. Sobrang laki ng naging parte niya sa buhay ko, hindi pa din ako makapaniwala, parang ang bilis lahat ng pangyayari, nung minsan lang buhat buhat niya pa ako, ang lakas lakas niya pa, pero ngayon he's totally gone. Hindi man lang niya nagawang lumaban.


" Ate let Yol and his other friends know about this. " pag-iiba ko sa usapan.


" Of course. They have the right to know this, kahit nangako ako kay Chivaz na huwag ipaalam. " nagtaka naman sa sinagot niya. Hiniling ni Chivaz yun?


" What? Gusto niyang huwag ipaalam? " ano bang problema ni Chivaz. Promises? Bakit puro pangako lang ang iniwan niya sa amin! Nakakaasar! Napakadaya niya! After niya akong hingan ng favor iiwan niya lang pala ako! Tapos ang gusto niya maging masaya pa ako? Baliw na talaga siya! Napakalaki ng sira niya sa utak!


" Ayaw niyang malungkot ang mga kaibigan niya, gusto niyang maging masaya kayo Gary. "


" How about him? " tears are streaming down on my face! I just can't believe na siya na ang nag suffer ng husto pero kasiyahan pa din namin ang gusto niya. Paano kami sasaya kung iniwan niya kami. How about me? I've seen everything, he died on my arms! How will I get over him? Hindi ganun kadaling kalimutan ang lahat. Buti sana kung pipikit lang ako makakalimutan ko na ang lahat. Pero hindi! Mas lalo kong nakikita ang paghihirap na dinanas niya sa tuwing pumipikit ako.


" Sasaya ba siya ngayon ate? Ate naman… ang daya ng kapatid niyo. " niyakap ako ni Ate and she gently tapped my shoulder.


" He is.. masaya siya ngayon, he's with our father now. Akala ko naalis na ang katigasan ng ulo niya, hindi pa din pala hanggang sa huling mga araw niya matigas pa din ang ulo niya. Gusto niya 'to Gary, he doesn't want to suffer anymore, maging masaya na lang din tayo sa desisyon niya. "


May inabot na papel siya sa akin. " I saw this letter on his pillow nung inaayos ko ang mga gamit niya sa kwarto niya. Hindi ko binuksan dahil alam kong para sa'yo 'to. " kinuha ko ang letter. Umalis na si Ate Julien at pumasok sa loob. Naiwan akong mag-isa dito sa balkunahe nila.


Tinitigan ko ang papel na inabot niya. Sa gilid ay nakasulat ang pangalan ko pero napaka labo na nito, parang nauubusan na talaga siya ng lakas sa pagsusulat, parang ibunuhos na niya ang lahat ng lakas niya para sa sulat na ito.


Binuksan ko ito at binasa kung ano ang nakasulat.






* After two months *


Philippines.



Nasa isang coffe shop ako at hinihintay ko ang pagdating ni Scarlet, tinawagan ko kasi siya kanina at gusto kong makipag-usap sa kanya.



She's My Definition of LOVE (COMPLETED)Where stories live. Discover now