SMDOL : Chapter 17

2.8K 47 7
                                    

" Anong ginagawa mo dito Chivaz? "

Inilahad niya ang palad niya sa akin.

"Tatayo ka diyan? Or bubuhatin kita? "

Kahit alam kong masakit pa din ang katawan ko sa pagbagsak ko kanina. Pinilit kong tumayo, kaya ko pa naman eh. Nagulat at the same time nahiya ako sa sinabi niya, hindi naman niya na ako kailangan na buhatin pa. Hindi ko na din pinansin yung kamay niyang nakalahad, mahirap ng ma issue.

" Ouch. " daing ko nung pagkatayo ko. Masakit talaga. Hindi sa nag iinarte ako, bigla din kasing kumirot yung gasgas ko sa tuhod. Dapat ata hindi ko na pinalagyan ng gasa. Dumikit na ata kasi yung sugat ko dun sa gasa dahilan para kumirot ito pag nagagalaw.

Nagulat ako, kasi bigla niya akong binuhat, princess like na buhat katulad ng buhat niya sa akin noong nahulog ako sa may fountain.

" Chivaz, you don't have to do this. " may mga napa gasped, meron ding sumigaw. Nakakahiya ang bigat ko pa naman.

" Pag ako ang kaharap mo, I want you to be honest. I know that you're not allright, at alam ko din kung anong nangyari. " bulong niya sa akin.

Ha? Paano niya nalaman? Wala naman sa itsura niya ang mamboso sa banyo. Ano ba talagang meron sa'yo Chivaz? Hindi kaya may detective siyang hinire para bantayan ako? Imposible... Ako na masyadong assuming.

Tumahimik naman sa buong paligid. Lahat ng atensyon nasa amin. Tumingin si Chivaz sa instructor namin at tinanguan lang siya nito.

Paalis na kami ng biglang may sumigaw. " Hey. Coach! " napahinto si Chivaz, tinignan ko kung sino yung nagsalita, si Ivan pala.

" Yes Ivan, any problem? "

Tumingin si Ivan sa direksyon namin sandali at binalik ang tingin kay Sir.

" He's not a student here, how come na pumapayag kayong dalhin niya si Gary kung saan saan. "

" Ah. yun ba? Don't worry, dadalhin niya lang si Gary sa clinic, may nag report daw kasi na naaksidente siya kanina, and she needs to rest. "

" Nagreport? Tss.. nagreport sa student na hindi naman taga dito? "

" He's a student of PU now Ivan, so you don't have to worry. "

Nagulat ako sa sinabi ni Coach. Si Chivaz? Student na dito? But how come?

Tinignan ko si Chivaz na ngayon ay nakangiting nakatingin kay Ivan. Tumingin siya sa 'kin at nagkibit balikat.

Patrick's POV

" What the hell are you saying! He can't go back here! He chose to be in that trash school! How come na babalik siya ng ganun ganon na lang. This is b*llsh*t Britt! "

Galit na wika ni Ivan, nandito kami ngayon sa mini house namin. Sabi ko na nga ba, ganito ang magiging reaction ni Ivan, ano pa bang bago.? Eh halos isumpa nga namin si Chivaz sa paglipat niya ng Marymount Univ.

Inexplain ni Britt na hindi din niya alam ang paglipat ni Chivaz sa PU nalaman niya lang din daw noong isang araw, I think si Lindsay lang ang nakakaalam dito. Kaya siguro naging busy siya sa school noong mga nakaraang araw because of this matter.

" Dude, relax muna, tinanong ko kanina si Lindsay, hindi pa daw siya official student dito. " ani Blake

" San paba babagsak yun? Malamang Blake magiging official din yan. Tss. Isip dude, wag tanga. " sagot ko

" He's planning to transfer right after our baseball match in MU. " wika ni Britt

" Tch. He's really trying to piss me off. Let's see kung tatagal siya dito. " - Ivan

She's My Definition of LOVE (COMPLETED)Where stories live. Discover now