Chapter 14 : Epic fail Date

3.1K 50 3
                                    

Trevor's POV

...

It was summer when I first met her, and I still remember how she stopped those stupid asshole students of Marymount in bullying me. I was on my own that time, looking for some bandage because I got a sprained foot after the first round of our baseball tournament at Marymount University.

" Hey guys.. look who's here. One of the weakest player of Princeton is having a tour alone. " said by the guy who looks like goon.

" Ano? Napagtanto muna ba na mas maganda dito kesa sa bulok niyong school? " wika ng isa sa kanila. asshole, mas bulok nga 'tong school niyo. Cheap. Tumatanggap ng mga estudyanteng patapon.

" I don't want to waste my time talking to asshole people like... " dudugtungan ko pa sana ng you. Pero naisip ko, masyado pala silang madami, mag isa ko lang out of 5. Dehado ako sa kanila, lalo na sprained 'tong paa ko. Naglakad na ako palayo, babalik na lang ako sa field. Kung bakit ba kasi kailangan pang dito ganapin yung finals.

" Tang na! Pre asshole daw oh. " sabi nung isa, matangkad siya. Mas matangkad sa akin at kung sa palakihan ng katawan. Aaminin kong mas malaki yung sa kanya. Mukha silang mga tambay sa kanto.

Humarang yung tatlo sa akin " Anong sabi mo asshole? Matapang ka ah. Mag isa mo lang pero ang yabang mo. Ano tol tirahin ko na ba 'to? " shit!

" Wag na. Bakla naman ata yan, itsura palang. Tumatanggap pala ng bading ang PU. Hahaha. " tinulak tulak ako nung isa sa tatlong humarang sa akin.

" Ano laban ka? Bading ka pala eh, bading! Hahahaha. " Mga g*go may araw din kayo, kung bakit ba kasi ngayon pa ako nag ka sprain.

" Diego! What do you think you are doing? Gusto mo bang isumbong ko kayo sa Guidance office.? " may babaeng bigla na lang sumulpot, from the looks that she have, mukhang hindi nagkakalayo yung age namin.

" Diego si Scarlet " narinig kong bulong nung isa sa kanila dun sa matangkad na lalaki.

" Tsss.. tara na. " aya nung matangkad na lalaki.

" Sino kayang bading. Mga takot sa babae. " I whispered.

Umalis na sila. Naiwan ako at yung babae, lumapit siya sa akin. I looked at her, she stared at me. Problema nito?

" Okey ka lang ka? " tanong niya sa akin. She has a sweet voice but still I dont like the way she stared at me its kinda awkward -_- or it is just me that I don't like people of Marymount.

Hindi ko siya pinansin, naglakad na lang ako, f*ck ang sakit ng paa ko, bakit parang kanina wala lang 'to. Badtrip!

Huminto yung babae sa harap ko.

" Tara samahan kita sa clinic " she said. Tapos hinawakan niya yung braso ko, inaalalayan niya akong maglakad. Wala na din akong nagawa.

And for the very first time, may ibang babae except to my mom and Annie na humawak sa akin.

...

" A.... I like you. No. What I mean is I love you "

First time kong gawin 'to ang magtapat ng pag-ibig. She's the first, ang unang babaeng nagpatibok ng puso ko, I know it sounds gay. But hell ! Ganito nga siguro pag inlove ka! I don't effin know kung anong nangyayari sa akin lately, I'm always thinking about what she's doing, kung kumain na ba siya, ligtas ba siyang nakapasok sa school at kung anu ano pa. Siya lang ang babaeng nakagawa nito sa akin.

After that incident in Marymount, nakilala ko siya . At mas naging close kami because of our family business, pag may mga gatherings ang parents namin or parties na pinupuntahan nandun ako, I'm always present to those boring events. Until that day that she was there too. She looks gorgeous to her pink dress that time, wala akong balak na pansin siya nun, pero siya ang unang lumapit sa akin.

She's My Definition of LOVE (COMPLETED)Where stories live. Discover now