SMDOL : Chapter 40

2.2K 40 8
                                    

SMDOL : Chapter 40

Karrine's POV

Ilang araw na akong pabalik balik dito sa hospital, mabuti na lang talaga at wala pang pasok. Sabi naman nung Doctor when I asked him kung kelan pwedeng umuwi sina Chivaz and Ivan, bukas daw. May mga lab results pa kasing minomonitor sa kanila.

Nagtext naman ako kina Ivan and Chivaz na mamaya ko na lang sila pupuntahan. Nababaliw ako sa kanilang dalawa, si Ivan ginawa akong muchacha utos ng utos, kasalanan ko daw kung bakit siya nabugbog si Chivaz naman ang gusto lagi akong nasa tabi niya para daw mabilis siyang gumaling. Hay……… ganito na ba kahaba ang buhok ko para magkaroon ng dalawang gwapong binabantayan.

Nagpahangin muna ako sa isang coffee shop na malapit sa hospi, mahangin kasi centralized ang aircon hehe... After nun nagpunta na ulit ako sa hospital, at inuna kong puntahan si Chivaz.

Nakakailang katok na ako sa kwarto niya pero walang nag rerespond. May tao ba dito? Ngayon lang naman nangyari 'to. Binuksan ko na yung pinto, at isang napaka ayos na kama ang bumungad sa akin. Asan si Chivaz?

Hinanap ko siya sa buong floor pero wala, nagtanong din ako sa nurse kung nakita ba siyang lumabas pero hindi naman daw. Puntahan ko na lang muna si Ivan, babalik din naman siguro si Chivaz. Tsaka bukas pa siya pwedeng umalis kaya for sure hindi pa umaalis yun.

Napansin ko naman na nakabukas yung pinto ng kwarto ni Ivan. Hindi ata naisara nung bumisita sa kanya. Bubuksan ko na sana ito ng marinig kong may ibang tao sa loob.

" What? " dinig kong tanong ni Ivan. Hindi naman siguro masamang makinig sa usapan nila. Tsaka ngayon lang naman.

" Salamat pala. " boses ni Chivaz? Hindi ako pwedeng magkamali.

" Tumutulong lang ako sa mga nangangailangan. You don't have to say thank you. " ang bato talaga ni Ivan, pero deep inside for sure nag-alala siya kay Chivaz. Pakipot na Ivan.

" Ano pang ginagawa mo? Pwede ka ng umalis. " dagdag pa ni Ivan. Pero hindi pa ako nakakarinig ng mga yabag papunta dito sa pinto.

" Kung meron man akong gustong ulutin, yun yung time na naiwan ko kayo, alam kong malaki ang galit niyo sa akin. Kahit yung pagiging pormal na lang natin sa isa't isa ang bumalik kahit wag na yung pagiging magkaibigan, okey lang ba? " biglang tumahimik, gusto kong marinig yung isasagot ni Ivan. Matagal din bago nakasagot si Ivan, kinakabahan ako sa pwedeng isagot niya. Pano kung nireject siya? Kawawa na naman si Chivaz.

" Gago ka pala e, tang ina naman Chivaz! Kung hindi ka umalis hindi magkakasakit ng ganun si Britt! Maswerte ka nabuhay siya, kung hindi… matagal ka nang patay ngayon. Umalis kana, ayaw kong makipag gaguhan sa katulad mo. " I automatically frowned to what he says.

Ano naman nangyari kay Britt that time? Muntik mamatay? How come!? E bakit si Lindsay okey lang sila ni Chivaz to think na twin brother niya si Britt. Ganun na ba kasakit sa kanila na iniwan sila ni Chivaz? Pano naman yung side ni Chivaz? He was so broken that time! Hindi man lang nila naisip na baka may dahilan siya na mabigat sa pag-iwan ni Chivaz sa kanila!

Nakarinig na ako ng mga yabag, napaatras ako ng onti sa pinto. " Nga pala, nakalimutan ko, about kay Karrine… may gusto ka ba sa kanya? " tanong ni Chivaz. Bakit naman nasali ako sa usapan? Pero parang na excite ako sa kung ano man ang isasagot ni Ivan.

" You don't have to know. Sino kaba para pagsabihan ko ng mga nararamdaman ko? You're not even a Dude to me. "  ( a/n: Dude means friend sa kanila. )

" Tss.. "

Dali dali akong naglakad paalis sa tapat ng pinto. And weird ng feeling ko ngayon, parang nasasayangan akong hindi sinagot ni Ivan yung tanong ni Chivaz. Nakakadismaya.

She's My Definition of LOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon