SMDOL : Chapter 51

1.7K 30 3
                                    

SMDOL : Chapter 51

Karrine Airy Mitchellin

Binuksan ko ang ilaw ng lamp shade ko na nakapatong sa mini table na nakalagay dito sa loob ng kwarto ko. Kinuha ko ang mga librong pinamili ko kanina sa bookstore malapit sa unit namin at ipinatong ko sa desk ang mga ito. Ilan lang 'to sa mga librong gagamitin ko dito sa New York para sa pagpasok ko sa bago kong school.

Nandito na ako sa New York limang araw na ang lumipas simula ng umalis ako… I mean kami ng Pilipinas. At bukas mag-uumpisa na akong pumasok sa bago kong school as a college student. My Mom enrolled me in New York University, mabuti na lamang at pumayag siyang dito ako magkolehiyo.

Akala ko nga ay makakapag bakasyon ako sandali dito, ayaw naman ni Mommy na masayang daw ang araw ko kaya inenroll na niya agad ako, at siyempre sariling desisyon din ni Mommy ang course ko. Deal kasi namin yun, na siya ang masusunod sa kursong kukunin ko para lang payagan niya akong makapag-aral dito sa NYU ayaw niya na kasing umalis pa ako ng bansa, but I insisted. I have to leave to save someone's life.

Pagkatapos kong ayusin ang mga libro ko ay tumayo na ako para kumuha sana ng tubig sa kitchen.

Halos magulat naman ako sa prisensya ng lalaking nakatayo sa tapat ng pinto at pinagmamasadan ako.

" Ginulat mo ko. Kanina ka pa diyan? "

" Natutulog kana dapat may pasok kapa bukas. "

" So kanina ka pa nga diyan? " tanong ko ulit.

Tumango lang siya, e anong oras na… siya nga dapat ang nagpapahinga sa mga oras na ito. Lumapit ako sa kanya at hinawakan siya sa braso niya para ihatid siya sa kwarto niya. " Tara na, papatulugin na kita. " natawa naman siya sa sinabi ko.

" Hindi na ako bata para patulugin mo, but I love that idea, a lullaby from Gary. " huminto kami sa tapat ng kwarto niya at tinignan ko siya.

Limang araw ko na siyang sinasamahan sa hospital, limang araw na din siyang nakikipagtalo sa mga nurses dito at limang araw ko na ding nakikita ang pagbabago sa kalagayan niya.

Nung nasa hospital pa lang siya sa Pilipinas mukha siyang maputlang maputla pero ngayon nagkaroon na ng konting kulay ang puti niya, ang mga labi niya ay pumusyaw na din ng konti at hindi na din tulad ng dati na sa tuwing hahawakan ko siya ay napakalamig ng balat niya.

" Bakit? " tanong niya, umiling lang ako.

" Pumasok kana sa kwarto mo kailangan mo nang magpahinga. " bago ko pa bitawan ang hawak ko sa kanya ay hinila niya ako papalapit sa katawan niya at niyakap. Hinaplos niya pa ang buhok ko na nagbigay ng kakaibang pakiramdam sa akin.

" Salamat Gary, salamat dahil hindi mo ako iniwan. " humiwalay na siya sa yakap at bago pa man siya pumasok sa kwarto niya ay hinalikan niya pa ang noo ko.

Kasama ko si Chivaz dito sa unit na binili ni Mommy ko para sa akin, at hindi alam ng Mommy ko yun. Walang nakaka alam, pati sina Lindsay, Scarlet or kahit si Ivan. Ang alam lang ni Lindsay at Scarlet ay mag-aaral ako dito kasama si Chivaz hindi nila alam na nandito ako para tulungang magpagamot si Chivaz. Pati sina Yol, hindi nila alam ang exact location namin dito. Ang Mommy ko lang ang may alam, at si ate Julien.

Lahat ng pwedeng makapag-ugnay sa akin sa Pilipinas ay pinutol ko. The social networking, my facebook, twitter, instagram, emali add and even my cellphone, si Mommy lang ang may alam ng bago kong number. I have to focus on my study and at the same time ay maaalagaan ko ng mabuti si Chivaz, sa ganitong paraan wala akong ibang pwedeng isipin kung hindi siya lang, at kailangan kong gawin yun para mapabilis ang pag galing ni Chivaz at makauwi kami ng maaga.

She's My Definition of LOVE (COMPLETED)Where stories live. Discover now