SMDOL : Chapter 48

2.3K 42 3
                                    

SMDOL : Chapter 48


Karrine


I woke up when I felt something that tickles me in my cheeks, dahan dahan kong binuksan ang mga mata ko at bumungad sa akin ang isang napaka gwapong nilalang na nakangiti, he got this messy hair which made him more look like one of those gods of Olimpus. Nananaginip ba ako? Seems like everything is just a dream, I raised my pointing finger up to his cheeks at tinusok ang pisngi niya checking if I'm really on my dreamland, pero hindi yun tumagos.


" Good morning Beb. " he said with this husky voice. Sa gulat ko na hindi panaginip ang lahat ay napausog ako ng bigla sa gilid but before I could turn to other side of the bed bigla niya akong mas lalong idinikit sa katawan niya. Nakasandal pala ang ulo ko sa braso niya.


" Not so fast Beb. " sa hiya ko ay isinubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya. Sheez! Ang bango niya at ang tigas ng dibdib niya! I wonder how those muscles of him made this chest so hard!? Naramdaman kong bigla niya akong niyakap at kinulong sa mga bisig niya.


" I love you Beb. " he said almost whispered, the sound of his bedroom voice made my heartbeat race for a second.

Inalis ko ang mukha ko sa dibdib niya, he loosened up his hug at tinignan siya sa mga mata, hindi ako nananaginip, he's really right here beside me.


" I love you too Beb. " sagot ko, nginitian niya ako and he lean his head to kiss me on my forehead.

Bigla kong naalala na pupunta pala si Mrs. Jones dito. Nataranta ako bigla. " Ivan, I need to get up, baka dumating si Mrs. Jones. " hindi niya ako pinansin, instead ipinatong niya lang ang ulo niya sa unan at pumikit.


" Ivan huy... I need to get up. " pero hindi pa din niya ako pinansin, hindi naman kasi ako pwedeng tumayo ng bigla dahil manipis ang damit ko at wala akong brassier! Well wala kaming ginawang kababalaghan, it happened na basang basa ako kahapon at instead na ihatid ako ni Ivan sa bahay ay nag diretso kami sa condo unit niya, kaya tumawag ako kay Mrs. Jones, ( yung katiwala namin sa bahay ) na kila Ivan na ako matutulog dahil sobrang lakas ng ulan, pumayag naman siya dahil family friend naman namin sina Ivan at kilala niya ito.


So I ended up wearing this shirt na manipis na hindi ko alam kung makikita ba ang alam niyo na at wala din akong andies, naka boxer shorts lang ako! Buti na lang at may gentleman side din 'tong si Ivan, hindi niya ako ginalaw promise.



" Ivan… uy Daryl… " pangungulit ko pa. Wala akong choice but to stand, tinignan ko pa ang orasan na nasa gilid ng kama ni Ivan at nanlaki ang mata ko ng makita kong 7:10 na! Male-late na kami! Si Ma'am Dina the monster pa naman ang teacher namin ngayon.


Nagulat naman ako ng bigla akong hilain ni Ivan pabalik sa kama, nakatalikod ako sa kanya habang nakaupo sa kama, mas ikinagulat ko ng bigla niya akong yakapin patalikod.

" It's Beb, not Ivan not Daryl. " bulong niya sa likod ng tenga ko, a sudden spine-chilling sensation runs into my body… he even rest his head on my shoulder at nararamdaman kong inaamoy amoy niya ako.

" Ivan... a-- I mean Beb, late na tayo sa school, kailangan kong tawagan si Mrs. Jones baka nakalimutan niyang ihatid yung uniform ko. " nakikiliti at naiilang ako sa ginagawa niya.

" It's already here, I put it on my cabinet, tulog kapa kanina kaya hindi na kita ginising. " bulong niya.

" Late na tayo, tara na Ivan--a… I mean Beb. " hindi ako sanay na tinatawag siyang Beb. Naman kasi! Ang arte, may nalalaman pa siyang Beb Beb.


She's My Definition of LOVE (COMPLETED)Where stories live. Discover now