SMDOL : ( c) Ivan is Back

1.6K 29 3
                                    

SMDOL : ( c ) Ivan is Back

( a/n : Maikli lang itey, baka mamayang gabi ko ipost yung next chapter. )

Karrine POV

Kanina pa ako tulala dito sa unit ko, nakaupo sa ako gilid at hindi parin makapaniwalang nakita ko siya kanina, ang lalaking matagal ko ng hinihintay.

Bigla na ko na lang narinig na parang bumukas ang pinto ng unit. Nakarinig din ako ng mga yapak, napatayo ako bigla at agad na tinignan kung sino ang pumasok.

Si Ivan. Siya agad ang unang pumasok sa isip ko.

Pero nang makita ko ang lalaking bagong pasok ay nagbago ang nararamdaman kong pagkasabik. Hindi si Ivan ang pumasok.

" Kanina pa kita tinatawagan, nawala na naman ba ang cellphone mo? " tanong ni Danyel. Hindi ko siya sinagot at umupo ulit ako sa gilid. Hindi pa din nakaayos ang mga gamit dito sa unit ko, naka box pa ang mga ito at naka plastic.

Kinuha niya ang cellphone ko sa tabi ko at tinignan ito, kanina pa ba ako tulala at hindi ko namamalayan na tumatawag siya?

Tinabihan ako ni Danyel sa sahig at umupo din ito.

" You know me, hindi ko alam kung paano mag comfort, but I'm here… I will listen and I can lend you my shoulder. " naramdam niya siguro na parang wala na naman ako aa sarili ko. Masyado ba akong halata pag malungkot?

" Danyel I saw him. " sabi ko na hindi tumitingin sa kanya. Hindi siya nagsalita. Nanatili lang siyang tahimik.

" I saw him Danyel, nakita ko si Ivan. " this time tinignan ko na siya, tinignan niya ako ng walang kahit ano mang ka-emoemosyon. Alam kong iniisip niyang baka nag hahallucinate na naman ako, sa maniwala kayo't sa hindi. Nag medicate ako dati, because of anxiety, stress nagsama sama na, marami akong napagkakamalang si Ivan ang nakikita ko. Mabuti na lang at hindi ako pinabayaan ni Danyel, lagi siya ang umaalalay sa akin, at siya din ang nag-alaga sa akin. Hindi niya ako iniwan nung mga panahong halos isumpa ko siya. Kaya nga nagpapasalamat ako dahil kahit na galit na galit ako sa kanya ay hindi siya sumuko sa akin.

Hindi ko na napigilang hindi mapaluha. " Danyel I saw him, I swear. " lumapit na siya sa akin at niyakap ako.

" Sshhh… " pagtahan niya sa akin at nararamdaman ko din ang paghaplos niya sa buhok ko.

" If you saw him, then why are you crying? Diba dapat maging masaya kana? "

Umiling iling ako, oo nga dapat masaya na ako, pero bakit parang ang sakit ng nararamdaman ko?

" Nakita ko siya, at alam kong nakita niya din ako. Pero Danyel, he just looked at me. "

" Hindi si Ivan yun, tahan na. We have to fix your unit first. " humiwalay na siya sa akin at tumayo. Hindi nga ba talaga si Ivan yung nakita ko? Maybe Danyel's right, hindi si Ivan yun dahil hindi niya ako pinansin, hindi si Ivan yun. Hindi siya yun.

Lumapit ako kay Danyel at niyakap siya patalikod.

" Salamat Danyel, for not leaving me. "

--

Nakaupo lang ako sa kusina at kumakain ng pizza, buhay prinsesa talaga ako pagdating kay Danyel. Pagkatapos kasi ng pagdadrama ko ay bigla na lang may mga lalaking nagsidatingan, nakakalerks kaya para akong nasa isang isla na punung puno ng mga kalalakihan, mga nirentahan palang tao ni Danyel yung mga yun, para mag-ayos dito, alam naman for sure ni Danyel kung paano ang ayos ng unit dahil lagi niya akong sinusundo dito. Minsan kasi hindi ko namamalayan ang oras at minsan nakakatulog na lang ako dito. Alam din niya ang passcode, remember bestfriend sila ni Ivan, pati din naman sina Blake, Trev at Pat alam ang passcode dito. At kahit na nabili ko na 'tong unit. Wala pa din akong balak na palitan ang passcode.

She's My Definition of LOVE (COMPLETED)Where stories live. Discover now