SMDOL : Chapter 47

1.9K 44 3
                                    

SMDOL : Chapter 47

( a/n : Hello to new found friend JamMercado this is for you hihi! )

No chocalates, no flowers, no serenade, no jerking voice and no Ivan. It's been two weeks since it happen, pagkatapos ng pag-uusap namin sa clinic he never dare to get near on me, kung magtatagpo man ang mata namin siya ang unang iiwas at iirapan ako. Parang naging worst ang lahat, araw araw akong napapahiya sa school. PAANO?

Eto lang naman ang mga nangyayari sa akin sa lumipas na dalawang linggo.

1st encounter :

Nasa labas na ako ng school at hinihintay si Scarlet dahil may usapan kaming mag mo-mall ng biglang may dumaang single na motorcycle sa harap ko at binuhusan ako ng tubig na kulay itim. Wala akong nagawa kung hindi ang magulat lang, basang basa ako at mukha akong BASANG SISIW NA NAGTAMPISAW SA PUTIK, hindi ko din naman masumbong sa admin ang gumawa nun dahil una sa lahat hindi ko sila kilala at nasa labas na ako ng school, kaya wala ng pakielam ang admin kung anong mangyari sa akin outside the school.

2nd encounter :

Medyo na late ako ng pasok at hindi ako nakisabay kay Chivaz dahil maaga daw siya para sa swimming class nila, habang nag lalakad ako sa hallway papuntang classroom ko ay nakatingin lahat ng estudyante sa akin nagbubulungan at nagtatawanan, pagdating ko sa classroom halos hagalpak din ang nakuha ko sa kanila, sina Blake, Patrick, Britt, Trevor at Ivan naka upo sa likod at parepareho ng itsura, lahat sila ay seryoso ( which is lagi naman ) Nasabi ko ba sa inyo na hindi na din ako pinapansin nila Blake… ayan nasabi ko na. Pagdating ko sa upuan ko ay nakakunot noo akong tinignan ni Scarlet at tumayo si Lindsay sa kina-uupuan niya para tanggalin ang papel na nakasulat sa likod ko. Hindi ko alam kung san ko nakuha yun. Tapos ang nakasulat pa sa papel ay ' Buy me, I'm only ONE PESO. ' halos maiyak na ako sa mga oras na yun. Si Lindsay ay sumigaw pa at tinanong kung sino ang gumawa nun pero lahat ay bumalik lang sa kanya kanya nilang ginagawa.

3rd encounter :

Eto na siguro ang pinaka masakit sa lahat ng pinakamasakit, hindi pisikal kaya mas masakit dahil walang gamot na pwedeng magpahinto sa sakit. Halos lahat kami ay kumpleto na sa room ng biglang pumasok si Ivan na kasama si Candy, at ang ikinagulat ko ay magkahawak kamay silang pumasok. Nakatingin lang ako sa kamay nilang magkahawak.

" Listen up guys! I just want to announce that from now on Candy Estrella is officialy mine, don't you dare hurt her, if you still want to live safe and sound. " boses niya lang ang naririnig sa classroom lahat kami tahimik at parang huminto ang oras sa mga sandalimg yun, nawasak lang ang katahimikan nang biglang may nag taas ng kamay at nagtanong " Ivan akala ko ba nililigawan mo si Karrine? " parang biglang tumalon ang puso ko sa tanong na yun.

Ngumiti si Ivan ng nakakaloko. " Karrine? I'm done with her, madali siyang pagsawaan walang kwenta. " nagtagpo pa ang mga mata namin ng tumingin ako sa kanya at katulad ng parati niyang ginagawa ay siya ang unang umiwas at inisnaban ako, napakagat ako sa baba ng labi ko, he just used me and I'm nothing to him but just a toy para makahiganti kay Chivaz, pero dapat magalit ako dahil sa sinabi niya! Pero bakit ganito!? Gusto ko ng umiyak sa sakit!

My senses came back when Scarlet grasped my arm. " Oh. " inabutan niya ako ng tissue paper at kinuha ko lang yun, umiiyak na naman pala ako, basta pag kasama ko si Scarlet lagi na lang akong naiiyak.

" Hindi ka iiyak parati kung hindi mo mahal si Ivan, sabi ko naman kasi sa'yo nun wag kang maging matigas sa kanya, yan tuloy hindi lang si Ivan ang nawala sa'yo, lagi ka pang pinag titripan ng mga classmate natin. "  nasa isang coffe shop kami, coffee buddy ko na nga ata 'tong si Scarlet. Hinayaan ko munang maubos ang luha ko bago magsalita.

She's My Definition of LOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon