Chapter 7 : "The Jerking Voice"

3.7K 53 3
                                    

Ilang kilometro lang pala ang layo ng Bar house nila Ivan sa school, actually pwedeng pwede mo nga siyang lakarin eh. Time check : 6:30 na ng gabi, medyo madilim na din. Tinawagan ko na din si Mrs. Jones na gagabihin ako ng uwi at kasama ko si Ivan, alam naman kasi nila na body guard ko si Ivan kaya kampante sila na kasama ko siya.

" Eto na ba yun? " nag park kasi Ivan sa harap mismo ng bar, actually hindi talaga siya mukhang bar, glass house pwede pa, pero pag naaninag mo ang loob masasabi mu ngang bar ito kasi makikita mo ang isang napakalaking counter bar.

Bumaba na si Ivan ng sasakayan, syempre ako naman sunud-sunod lang, yun lang naman ata ang papel ko dito ang sundan si Ivan, pero syempre joke lang yun, anu siya sinuswerte.

Pumasok na kami. Pati ang door nila is made up of glass, and take note automatic pa! Yung tipong nakakasense ito ng may papasok, at kusa na itong magbubukas. No wonder mayaman ang nag mamay-ari nito which is sila Ivan.

Nilibot ko muna ang aking paningin, wow! another first again, first time kong makapasok sa isang bar, and nakakalula ang kagandahan ng bar na ito, sa gilid naka locate ang bar counter, kitang kita ko din ang stage nila mula dito sa kinatatayuan ko, simple lang naman ang stage, para lang siyang flatform just to emphasize na may nag peperform dun, may mga instruments din doon. Sa gilid naman may mga sofa's tapos sa gitna may chairs and tables na.

" GARY!!!! " Napatingin ako sa tumawag sa akin, si Lindsay pala kasama niya si Scarlet, nakaupo sila malapit sa flatform or stage, dumiretso na din ako dun, iniwan na din kasi ako ni Ivan, kahit kailan talaga hindi marunong manghintay.

Scarlet's POV

"GARY!!" sigaw ni Lindsay

Nandito kami ngayon sa bar house nila Ivan, medyo kadarating dating ko lang, at syempre dito kami naka pwesto sa harap, favorite spot ni Lindsay to eh.

"Good evening Ladies and gentleman!!!!" una ng announcer.

" uwaaaaahhhh!!!! Yuhooooooooo.! " sigawan ng mga tao, mostly students din ng Princeton Univ. Tambayan na ata ng mga taga Princeton to eh, mas madami lang talagang tao ngayon kasi ang "The Jerking Voice" ang mag peperform tonight. Which is name ng band nila Ivan, everynight may nagpeperform dito tuwing thursday lang talaga naka toka sina Ivan.

"Who's ready for the, THE JERKING VOICE!!!!! " sigaw ulit ng announcer

"kyaaaaaaaaaaaahhhhhh!!!!!!!!!!!!!" Gusto ko din sanang makisigaw, kaso wag na sayang lang boses ko, ang ganda kasi talaga ng mga boses nila Ivan, as in feeling mo hinahara ka.

"Sino yun? The Jerking Voice? " biglang tanong ni Gary, oo nga pala hindi niya pa kilala ang group band.

"Makikilala mo din sila Gary." sagot ko sa kanya, katabi ko pala siya.

Isa isa namang lumabas sina Britt, Patrick, Blake and Trevor. Wala si Ivan, ibig sabihin hindi siya ang vocalist ngayon. Sa The Jerking Voice kasi lahat sila kumakanta at marunong humawak at tumugtog ng instruments, kapag hindi lumabas si Ivan, it only means na he's not going to sing. Hindi kasi talaga nakikisali si Ivan pag hindi siya ang kakanta, alam ko once lang siya sumali nun, that was the time nung dumalaw ang ate niya dito sa bar, and guitarist si Ivan nun.

" Sila? May band pala sila? " tanong ulit ni Gary.

" Aha. and they are The Jerking Voice " sagot ni Lindsay.

Sino kayang kakanta ngayon? Last Thursday kasi si Patrick ang kumanta and he sang One and Only, halos maglaway na nga ang mga audience nun eh, si Patrick na chickboy ba naman ang kumanta.

Bumaba na yung announcer. Si Patrick at Britt pala ang guitarist ngayon, si Blake as usual sa drums yan, buhay niya yun eh, most of the time kasi siya ang drummer. And finally si Trevor, siya pala ang kakanta ngayon.

She's My Definition of LOVE (COMPLETED)Where stories live. Discover now