SMDOL : Chapter 23 (Part 1)

2.6K 48 3
                                    

SMDOL : Chapter 23 (Part 1)

" Chivaz may problema ba? Kanina ka pa kasi tahimik. " naglalakad kami palabas ng school ni Chivaz, nasa labas daw kasi yung kotse niya. Simula kaninang kinausap ako ni Ivan. Hindi na siya umimik.

" Wala 'to. " bored niyang sagot. Ewan… pero feeling ko ang cold cold ni Chivaz ngayon sa akin. Parang kanina may pakurut kurot pa siya sa pisngi kong nalalaman. Nahawa na din ba siya kay Ivan na pabago bago ng mood?

Dahil sa hindi ko na matiis ang pang iisnob sakin ni Chivaz, hinakawan ko yung dulo ng damit niya para huminto siya sa paglalakad. Tinitigan naman niya ako na parang nagtataka.

" Ano... ano kasi…" ilang kong sabi (_ _") pano ba 'to?

Nagulat na lang ako kasi bigla na lang niyang hinawakan ang mga kamay ko. First time. First time akong nakaramdam ng pagka ilang na hindi ko maintindihan.

" May tiwala naman ako sa'yo, pero kay Ivan wala. Sorry… hindi ko kasi alam kung pano ko tatanggalin 'tong selos na nararamdaman ko ngayon. "

After niyang sabihin yun, napatawa pa siya, tapos kinurot niya ulit yung pisngi ko. Eh… pano yung reaksyon ko. Nanlaki kasi yung mga mata ko, tapos feeling ko namula ako! Hindi ko naman maitago tago yung mukha ko pano hawak hawak niya yung kamay ko.

Naglalakad na kami ni Chivaz, nasa likod niya lang ako. Hindi pa din ako maka get over sa sinabi niya. Nagseselos siya.? Bakit naman siya magseselos kay Ivan.? Hindi naman kami ni Ivan, crush ko lang naman si Ivan. Pero crush ko din naman si Chivaz. Hehe… ang dami kong crush sa totoo lang. Eh pano ang galing galing ni Ivan mag baseball, tsaka crush lang naman, wala namang masama dun. Si Chivaz, crush ko talaga siya, mabait na pogi pa. Hihi.

Nakasakay na kami ni Chivaz ngayon, hindi naman kalayuan sa school yung tinahak namin. May napakalaking gate kaming pinasukan.

' MARYMOUNT UNIVERSITY ' yan ang nakaukit sa gate na pinasukan namin. Tinignan ko si Chivaz na seryosong nag papark.

" Wag mo kong masyadong titigan, baka mainlove ka sa akin. Mapapadali ang lahat. " sabi niya tapos ngingiti ngiti pa siya ng nakakaloko.

" Ewan ko sa'yo Chivaz. Dami mong alam. " sagot ko pero umiwas na ako ng tingin. Nakaka ilang, ilang na ako sa kanya. Feeling ko nag pipink 'tong pisngi ko, nagkakaroon ng natural blush-on.

Bumaba na siya ng kotse at pinagbuksan niya ko. Isang bagay na gustung gusto ko kay Chivaz, napaka gentleman niya.

Habang naglalakad kami, hindi ko maiwasang hindi mailang ng sobra. Hapon na at labasan na halos ng mga estudyante, nakaka ilang lang na parang isa akong kriminal kung titigan ng mga tao or more like a superstar? Ang panget naman ng kriminal e wala naman akong ginagawa sa kanila. Tapos naka uniform pa ako ng pang Princeton, outcast ako dito.

" Chivaz… san tayo pupunta? Nakakahiya kasi, pinag titinginan na ako ng mga tao. " bulong ko sa kanya, diretso lang kaming naglalakad, kung ikukumpara ko ang PU sa MU, parehas lang halos sa laki ng mga buildings pero mas maraming glass buildings ang PU, dito kasi sementado lahat.

" Masanay kana… kasi pag naging tayo, kahit san ka pumunta nakatingin ang lahat. Sa gwapo kong 'to malamang talaga agaw atensyon ako. " nasabi ko bang may pagkamahangin din 'tong si Chivaz? Ngayon nasabi ko na.

Napansin kong parang sa field nila kami papunta. Nang makarating na kami, pinaupo niya ko sa team quarter nila, yung kung saan talaga naka upo ang mga players.

" Hindi ka kasi pumunta nung sabado, hintayin mo ko dito, magbibihis lang ako. " nginitian ko lang siya. Marami rami din ang tao ngayon sa field, first time kong makikitang naka uniform si Chivaz ng pang baseball at first time ko din siyang makikitang maglalaro. Na excite tuloy ako bigla… Pano nga kaya pag hindi ako pumunta kay Ivan nun. *shakes head* si Chivaz kasama ko! Ayaw ko munang isipin si Ivan.

She's My Definition of LOVE (COMPLETED)Where stories live. Discover now