SMDOL : Chapter 46

2K 36 2
                                    

SMDOL : Chapter 46

" Ano bang nangyari sa inyo ni Ivan? Ilang araw mo nang binabaliwala lahat ng effort niya, nung isang araw tinapon mo yung flowers and chocolates, tapos pinahiya mo siya sa harap ng maraming tao nung nanghara ang jerking voice sa'yo, tapos ngayon sobrang iniiwasan mo siya. Obvious naman Gary na gustung gusto ka ni Ivan pero ikaw? Ewan.. di kita ma gets, pag may ginawa ka kasing hindi maganda kay Ivan para ka namang namatayan. " Scarlet said. Inikot ikot ko yung straw ng coffee ko at tinignan lang ito. Magkasama kami ni Scarlet ngayon sa SB, its our free day, at kanina niya pa ako kinukulit about kay Ivan.

" He deserves that, nasa kanya na ang lahat all the fame, money, looks almost everything, gusto ko lang siyang turuan ng lesson na sa mundo hindi mo makukuha lahat. "

" And you think ikaw yung bagay na hindi niya makukuha? " nanlaki naman ang mata kong tinignan siya.

" Wala akong sinasabing ganyan. "

" Pero yun din ang punto mo dun, wag ka ng matigas sa kanya, pag nagsawa si Ivan ikaw din.. " iniwas ko ang tingin sa kanya at tumingin sa mga tao sa labas na naglalakad.

" Gusto ko siya Scarlet but I don't think he feels the same way. " halos pabulong kong sabi, gustung gusto ko si Ivan, alam ko sa sarili ko 'yon at everytime na ni-rereject ko siya sa maraming tao, nasasaktan din ako. Gusto kong isipin na lahat ng ginagawa niya ay totoo but it's not! Sa reyalidad lahat ng yun ay kasinunghalingan!

" Ano? May sinasabi kaba? " takang tanong niya.

" Wala. Sabi ko, binilisan na natin dahil kailangan pa nating bumili ng gifts para bukas. "

" Gifts? Hmm… Samahan na lang kita, wala din naman akong pagbibigyan ng regalo bukas. " walang gana niyang sagot sabay subo ng cake.

" Ha? E pano si Trevor? Hindi ba kayo? " bukas kasi ay Valentines day, sabi ni Scarlet every valentines nagbabago ang itsura ng school, may pasok pero may mga booth sa loob ng campus na related sa Valentines.

" Si Trevor? Wala yun, friend ko lang yun. "

" E si Blake? " hindi mo naman maipinta ang itsura niya ngayon ng banggitin ko ang pangalan ni Blake.

" Paano naman napasok sa usapan yung kumag na yun. Psh. " inis niyang sagot.

" Kung papipiliin ka, si Trevor or si Blake? Sinong pipiliin mo? "

" Wag ka ngang ganyan Gary, ikaw ba? Sinong bibilhan mo ng gift? Diba dapat lalaki ang gumagawa nun? " pag-iiba niya sa usapan. Obvious naman sa kanya na may problema siya ngayon kay Trevor. Bahala na nga, hintayin ko na lang siyang mag open sa akin, mukhang ayaw niya pang pag-usapan ang tungkol sa kanila.

" Si Chivaz. " maikli kong sagot.

" Umamin ka nga. Baka naman kaya lagi mong nirereject si Ivan ay si Chivaz talaga ang gusto mo, hindi din naman kasi mahirap mahalin ang isang Chivaz, kung sa isang fairy tale si Chivaz na talaga ang magandang example ng isang prinsipe. " halos mag ningning pa ang mga mata niya habang sinasabi niya yun, baka naman si Chivaz na ang gusto nito?

" Basta ang akin, si Chivaz ang taong hindi ko kayang mawala sa akin. " tinignan naman niya ako ng may pagdududa, at tinasaan pa ako ng kilay na parang kinikilatis ako.

" Edi siya nga gusto mo. " pagpupumilit niya. Ininom ko muna yung kape ko bago sumagot.

" Hindi ko siya gusto, pero mahalaga siya sa akin. " mahina kong sagot.

" Ang gulo mo. Tara na nga bumili na lang tayo ng regalo. "

Alam kong hindi niya maiintindihan ang sinabi ko, ano bang magagawa ko? Wala talaga akong nararamdaman na kakaiba kay Chivaz, nakakainis kasi sana nga sa kanya na lang ako nagkagusto.

She's My Definition of LOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon