SMDOL : ( h ) Britt, Ivan and Luigi

1.9K 28 6
                                    

SMDOL : ( h ) Britt, Ivan and Luigi

Bukas na ang art exhibit ko, at wala akong ginawa kung hindi ang gugulin ang buong oras ko sa pag-aayos. Actually maayos na ang lahat, ayaw ko lang talagang magpahinga, ayaw ko lang maalala lahat ng mga nangyari ng mga nakaraang araw.

Nakakatawa lang kasing isipin na kung sino pa yung mga taong aakalin kong makakasama ko habang buhay sila pa ngayon yung mga taong nagbibigay pasakit sa akin. Yung taong pinakamamahal ko ay pilit akong inilalayo sa sarili niya at yung kaibigan kong matagal ko ng alam na patay ay muling nagbalik sa katauhan ng iba. Ang daya lang kasi, ang daya na sa dinami dami ng pagsubok ko sa buhay ay wala man lang akong kahit na anong natatamong katiting na kaligayan, hindi ako makaramdam ng contentment dahil alam kong may kulang.

Isa isa ng nagpaalam ang mga staff na tumulong sa akin, mag gagabi na din kasi, naiwan akong mag-isa, at hindi ko alam kung ano pa ba ang magandang gawin para maging busy ako.

Sa huli ay naisipan ko na lang na umuwi sa bahay, ayaw ko munang mag stay sa unit ko, masyado lang akong malulungkot ng husto kung naroon ako.

Nagulat naman ako ng paglabas ko ng pinto ay may lalaking nakatayo sa gilid.

" Magnanakaw? Rape! Oy! Oy! Huwag kang lumapit sa akin. " halos mag panic na ako ng dahan dahan siyang gumalaw at lumapit sa sakin. Wala pa naman akong makita dahil madilim na at pinatay ko lahat ng ilaw.

Bigla namang tumama ang liwanag ng buwan sa mukha niya. Hindi ko inaasahan na siya ang taong nakatayo sa harapan ko ngayon.

" Luigi? Anong ginagawa mo dito? " lumapit siya sa akin at halos dalawang dangkal na lang ang layo ko sa kanya.

" Kilala mo daw si Ivan. "

" Bakit? Na-naaala… ah, bakit si Ivan? " hindi na nga pala dapat ako makielam sa nakaraan niya, ayaw ko na siyang guluhin. Masaya na din ako para kay Chivaz ngayon, masaya ako na kahit ibang iba na siya ay buhay siya. Masaya akong makita siyang malakas ngayon.

" Hindi ko alam kung bakit kinakausap kita. You're creepy, and you're my stalker. But I want you to seduce Ivan for me, have a sex with him! Basta gawin mo lahat mapasayo lang siya. I will help you. " ano bang pinagsasabi ng lalaki 'to? Grabeng layo naman niya sa Chivaz na kaibigan ko.

Hindi ko siya pinansin at naglakad papunta sa kotse ko. Sex? Is he insane!? Parang napakadaling bagay ang sex sa kanya!

" Hey! I'm talking to you. " hinawakan niya ang braso ko.

" Hindi ibig sabihin na kamukha mo si Chivaz ay magiging mabait na ako sa'yo, Mr. Luigi Lee! Anong akala mo sa akin? Pokpok? "

" No. May sinabi ba akong pokpok ka? Hirap sa inyo, ang bilis niyong mag conclude sa mga bagay bagay. C'mon, I know you like him, i've searched about him, and he likes you too. " I looked at him in disbelief, search?

" Bakit ba? Ano bang problema mo kay Ivan? "

" Malaki. Malaking malaki. He stole my girl, and… " hindi niya na itinuloy ang sasabihin niya. Nakaramdam ako ng galit sa mga salita niya, napaka seryoso niya at sa pinapakita niyang ekspresyon ay galit na galit siya kay Ivan.

" Bitawan mo ko. " tinanggal niya ang kamay na nakahawak sa akin.

" Sino ba ang tinutukoy mong babae? "

" Her fiancè. "


--

Kanina pa ako tulala at pagulong gulong dito sa kama ko. Ayaw akong dalawin ng antok, sa tuwing naaalala ko ang mga sinabi ni Luigi kanina ay parang nagkakaroon ng instant giyera sa utak ko. Gulung gulo na ako.

She's My Definition of LOVE (COMPLETED)Where stories live. Discover now