SMDOL : Chapter 37

2.4K 40 6
                                    

SMDOL : Chapter 37

Nagpahatid na ako sa driver ko papunta sa pad ni Ivan. Saka ko lang napansin na wala pala akong dalang iba maliban sa sarili ko, ni hindi man lang ako nakabili ng pagkain or kahit anong gift para na rin pasasalamat sa kabaitang ginawa niya. Masyado ata akong apektado sa mga sinabi ni Chivaz. Hay…

Sumakay na ako ng elevator at pinindot ang floor kung san naka locate ang pad niya. Nakayuko akong naglakad papunta sa room niya. Nagulat na lang ako ng may biglang humatak sa braso ko, pagtingin ko si Ivan pala, lumagpas na pala ako. Tsaka anong ginagawa niya dito sa labas? Hinihintay niya ba ako?

" You seem to be out of your mind. Do you have a problem? " umiling lang ako. May problema nga ba ako? Hay… pati yun hindi ko alam ang sagot -_-. Pinindot na ni Ivan yung lock door niya at pumasok na kami.

Hindi pa sinasabi ni Ivan na umupo ako sa sofa pero umupo na ako. Saka ko lang napansin yung ginagawa ko ng bigla niya 'tong mapansin.

" Feel at home huh? I think that's a sign that you love hanging around here in my pad. " napatayo ako bigla. Ano ba yan Gary! Maghunos dili ka! Huhu... ano bang nangyayari sa akin ×_× hindi ko na binigyan ng kahihiyan ang sarili ko!

Umupo si Ivan sa same sofa na inupuan ko kanina. My pinindot siya sa remote control niya at nag-open yung tv. " Sit, wala akong balak na patayuin ka hanggang matapos ang movie. " dahan dahan akong umupo kunyari nahiya ako ng onti =_=

" Pasensya na wala man lang akong nadalang kahit ano. Ano bang pwede kong gawin para makabawi sa alam muna. "

" What's important is you came, you don't have to bring anything. I just only need you, nothing less nothing more. " bigla namang nag-init yung pisngi ko. Huhu.... ang hot ni Ivan ×_× anubee! Bakit ganern siya tumitig... iniwas ko yung tingin ko sa kanya. Delikado baka kung anong isipin niya. Isipin pa niya nadedeads ako sa mga titig niya!

" One more thing. " binalik ko yung tingin ko nagulat na lang ako ng bigla siyang lumapit sa akin, nanlaki pa yung mata ko, " Oy! Oy! Ivan anong ginagawa mo. " pilit niya kasing sinisiksik yung sarili niya sa may bandang likod ko, tapos may inaabot na kung ano sa likod ko din.

" I just wanna see the tag on your shirt. "

" Ha? Bakit naman? "

" To see if you're "MADE FOR ME". "

L

O

A

D

I

N

G....

Ano daw? Bumabanat ba siya? O.O

Ako lang ba? Or parang namula yung pisngi niya? Nahiya pa ata siya sa sinabi niya.. Pero teka! Kinilig ako dun >\\< ano bang nangyayari kay Ivan bakit gumaganyan na siya ngayon...!

" Just do-dont mind it. I guess you'll like it. Freakin' banat. " medyo mahina yung pagkakasabi niya sa dulo. Ang cute ni Ivan.... ihhhh! Kinikilig tuloy ako! Anu ba! Effort yun for him, knowing this man. Sa sobrang sungit hindi mo aakalain na may ganyang side siya.

Naging tahimik na kami sa mga sumunod na oras nag play na din kasi yung movie. Di ako magsyadong nag-eenjoy kasi ang ingay ng pinapanuod namin -_- action movie kasi, although may konting lovestory still action movie pa din. After two hours saka lang ako nakahinga ng maluwag.

Napatingin ako sa orasan, super late na pala. Si Ivan nakatitig pa din sa tv. " Aherm... " pag cleclear ng throat ni Ivan.

" Bakit? May problema ba sa lalamunan mo? "

She's My Definition of LOVE (COMPLETED)Where stories live. Discover now