SMDOL : ( k ) Favor

1.9K 30 1
                                    

SMDOL : ( k ) Favor

" Ikaw ba talaga yan? Hindi mo ba ako ipagtatabuyan? Are you not going to pretend that you don't love me? That you don't know me? Baka naman nanaginip lang ako? " bigla na lang may tumulong luha sa mga mata ko, maybe because of happiness. Masaya akong nandito siya, he's with me, after years of being apart with him.

Niyakap niya ulit ako, pakiramdam ko ay nasa alapaap ako sa mga oras na ito.

" I love you Beb, I really do, and I will, forever. " mas lalo akong naiyak, hindi nga ako nananaginip, he's really with me.

" Wag ka ng umiiyak, babawi ako sa mga panahong nawala ako, babawiin ko lahat ng time na hindi tayo nagkasama. I will always stay in your side, forever. " and then, I realized one thing. Will I be happy now that he's with me? Knowing that he's going to be a father soon. Paano yung bata?

" Ivan mahal din kita, mahal na mahal na mahal, na kahit ipagtabuyan mo ako ay ipipilit ko pa din ang sarili ko sayo, I know it sounds crazy, but yes. I am crazy, simula ng makilala kita naging baliw na ako ng dahil sa pagmamahal ko sa'yo. But… " nagtaka naman ang mukha niya.

" But? But what? Are you in love with Britt? Nagkaroon ka na din ba ng feelings sa kanya? Tell me, liligawan kita ulit, mag-uumpisa ako sa zero. Gagawin ko lahat mapa sa akin ka lang ulit. "

" No. No. No. It's not that, you'll be a father, nalaman ko kay Luigi. Paano yung bata? " ako naman ngayon ang nagtaka sa reaksyon siya. Parang wala lang sa kanya na magiging tatay na siya.

" False alarm. " he said with full of confidence.

" False alarm? " tanong ko, anong false alarm?

" Everything is just a stupid prank, she's not pregnant but sick. Ginamit niya ang sakit niya para pakasalan ko siya, she's insane. Mas baliw pa siya sa mga baliw. Pasalamat na lang at next month pa naka sched and kasal namin kung hindi habang buhay kong pagsisisihan ng malaki ang pag-iwan ko sa'yo. " napabuntong hininga na lang ako. I feel so relieved after hearing that. Eto na ba yun? Eto na ba yung hinahanap kong happy ending? Wala na ba akong dapat pang ikakaba o ipagbahala?

Niyakap ko muli siya, I guess this is it, my happy ending.

" Let's go. " ani Ivan.

" Saan? "

" Kay Britt, I just want to clear everything. " hinila na ako ni Ivan. Anong clear everything? Tsaka… pero… teka! Si Mr. Watermelon!

" Ivan… wait… may nakalimutan ako. " napahinto naman siya.

" Ano? "

" Hindi ano, sino. Kasi… * nilaro laro ko ang daliri ko at iniwas ang tingin sa kanya * hindi ka naman magagalit diba? May ka meet kasi dapat ako ngayon, then you came. Nakakahiya kung hindi ko sisiputin baka maghintay. " napakagat labi ako, kilala ko si Ivan, may pagka possessive, sira ulong possessive. Hay basta. Sira ulo siya!

" Who? Mr. Watermelon? " nanlaki ang mata ko, kilala niya? Stalker ko ba siya? Paano niya nalamang i-mi-meet ko si Mr. Watermelon. Sayang naman kasi kung hindi ko siya mami-meet gwapo pa naman daw yun.

Bigla namang binitawan ni Ivan ang kamay ko at inayos niya ang damit niya, umayos din siya ng tayo na parang napaka pormal ng dating niya. Nagtaka ako sa ikinikilos niya. Anyare? Inabot niya ang kamay niya sa akin, na parang gustong makipag hand shake.

" Do I need a proper introduction? tss… I can't believe that I am going to do this. Sa sobrang dami ng pagkukulang ko sa'yo, gawin ko na nga lang. *ahem* *ahem* Hi Airy, I'm Mr. Watermelon, nice to meet you finally. " nanliit ang mga mata ko. Siya ba? Yung gwapo na sinasabi ni Molly? Kaya naman pala maka gawa ng letter eh kung sino kung sumigaw. Tinaasan ko siya ng kilay, nilagay ko din ang dalawang kamay ko sa bewang ko.

She's My Definition of LOVE (COMPLETED)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora