Chapter 9 : Uneasy feeling

3.1K 55 4
                                    

Tatlong oras mahigit akong nag stay dito sa clinic. Nandito lang ako sa bed nakahiga, nang tawagan ko si Mrs. Jones mula kanina, wala pa sigurong 20 mins. nakarating na agad siya dito sa school, agad ko na din siyang pinauwi, pinadala ko na din sa kanya ang mga basa kong damit.

Tinanong pa nga niya ako kung gusto ko daw bang umuwi na lang, and I said that I want to stay baka kasi madami akong mamiss sa class, ewan ko ba, dapat nga umuwi na lang ako. Kesa naman sa nandito lang ako sa loob ng clinic, edi parang siya din na umabsent ako.

Kanina pa nga balik ng balik yung nurse dito, nag alibay na lang ako na medyo nahihilo ako, kahit hindi naman, para lang hindi niya ako paalisin.

" Excuse me. Is there a patient here, named Karrine? " narinig kong tanong ng isang babae sa nurse.

" Oo. Nasa loob siya. "

" ah ok! Thanks "

Medyo umupo ako, para kasing si Lindsay yung babaeng nagtatanong kanina, ang alam ko absent siya??

She opened the curtains na nag didivide sa mga beds. Nasa pinakadulo akong bed, sa gilid mismo ng room, malapit sa bintana.

" Oh my goshh! What happen??? Nasaktan ka ba? Where? " salubong sa akin ni Lindsay, bakit nandito siya?? and naka uniform pa. Nag cutting classes ba 'to?

Lumapit siya sa akin at umupo sa gilid ko. " Tell me girl, are you okay now? And you have to tell me kung sino ang gumawa sa'yo niyan! Gossh! Look at you, you look so pale. I heard na may dinala daw dito sa clinic dahil natumba or nalaglag sa fountain or so whatever." Tuloy niya pa while holding my shoulders. Nakakatuwang isipin na nandito si Lindsay para akin. Kahit papano pala may student din ng PU ang may concern sa akin.

" Ok lang ako, too much worries will kill you Lindsay hehe… " I tried to smile, nagawa ko pang magbiro. Ok lang naman talaga ako.

" You sure? But girl, you have to tell me kung sino ang gumawa sa'yo niyan. Hindi naman pwedeng natumba ka dun, ano yun na out of balance ka? Duhh.. that's! Impossible, that won't buy me Gary. So tell me ano ba talagang nangyari? " pangungulit niya pa.

" Actually na out of balance talaga ako, ang t^nga ko lang hehe. " I answered, ano bang dapat kong sabihin? Na may gustong mag pa picture tapos yun nahulog ako. Edi siya din yun, katang^han pa din.

" Hmm. Ok, if you say so. Next time mag ingat ka na lang okey? Ano papasok ka pa ba? Or you'll just gonna stay here the whole day? "

" Papasok din ako mamaya. Ikaw? Hindi ba't absent ka? How come na nandito ka ngayon? "

" I'm here the whole morning, may pinapaasikaso lang ang mommy ko sa office kaya hindi muna ako pumasok " aahh.. oo nga pala sila ang may-ari ng school, kung tutuusin kahit siguro umabsent ng umabsent 'tong si Lindsay papasa pa din siya. May-ari ba naman ng school.

"Kumain ka na ba? Why don't we eat first before attending our next class? Let's go? " aya niya.I nodded. Gutom na din kasi ako.

~~

After naming kumain ni Lindsay, pumasok na kami agad sa room. Parang wala ngang nangyari, as in parang walang commotion na nangyari kanina. Baka ganito talaga sa PU they don't really care sa mga bagay bagay na hindi sila involve.

Nag start na yung class, ang boring lang kasi Filipino ang tinuturo, and our topic is all about Elfilibusterismo.

'Chivaz'

Bigla na lang sumagid sa utak ko ang pangalan niya. Dapat pala tinanong ko si Lindsay about him, mukha namang sikat siya sa mga estudyante ng PU kaya malamang kilala din siya ni Lindsay.

She's My Definition of LOVE (COMPLETED)Where stories live. Discover now