SMDOL : Chapter 26

2.8K 45 8
                                    

SMDOL : Chapter 26

" YOL!!!!!! SAN TAYO PUPUNTA!!!!!????? " sigaw ko. Nakakapit ako sa jacket niya ngayon. Okey naman siyang magpatakbo, yung nga lang hindi niya ata ako naririnig, kanina pako sigaw ng sigaw dito sa likod niya. Nalagpasan na kasi namin yung Marymount University.

Pumasok kami sa isang subdivision halos lahat ng bahay malalaki. Hindi ako pamilyar sa lugar na 'to first time ko lang naman din kasing makapunta.

Huminto kami sa may kulay asul na gate. Ang ganda ng bahay, may side na puro glass lang, kitang kitang ang loob. Sobrang laki pa.

" Nandito na tayo. " ani niya habang tinatanggal ang helmet.

" Kaninong bahay 'to? Tsaka akala ko ba practice niyo? " wala naman sa itsura ni Yol ang mang kidnap kaya for sure hindi 'to kidnap. Pero kidnap pa din 'to!!!! Nagpunta kami sa lugar na wala akong kaalam alam. Ang gulo ko.

Bumaba nako sa motor. Nagkamot kamot pa ng ulo si Yol. Kyaaaaah~~~~ kyeopta! Ang kyut ng Yol na 'to kainis!!! Simpleng kamot sa ulo lang naman ang ginawa niya bakit ang kyut kyut niya!!!!! Bwisit siya!

" Pasensya na Karrine. Hindi ko nasabi, hindi tuloy yung practice may lagnat kasi si Lili. Favor naman oh.. " medyo awa effect niyang sabi. Yung mukha niya! Di ko matiis ang kyut kyut sobra!!!!

" Nakakainis ka! Wag kang gumaganyan! Anong favor ba yun? " hindi ako makatanggi sa kakyutan niya! Anak ng charm naman yan Yol !!

" Bilib ka na naman sa kagwapuhan ko. " pa cute niya with wink pa! Pasalamat siya at kyut siya.

" Ano na!. Magbago pa isip ko bahala ka diyan. "

" Uy hindi ako nagbibiro ah. Gwapo talaga ako. Hehe. Eto na! eto na! Favor Karrine please. Sa susunod na isang araw na yung laban namin sa PU. Alam mo naman yun diba? " medyo naiilang pa siya. Anong meron sa laban nila?

" Ano… Ano kasi. Pwedeng nurse ka muna ni Lili ngayon? Pagalingin mo muna siya. Kailangan namin siya sa laban. Please Karrine! Ikaw lang makakapagpagaling sa kanya! "

" Ako? Bakit ako? Hindi ako ginie ah... kaya wala akong super powers. " anong gustong palabasin ng Yol na 'to? Tumawa tawa pa siya. Nababaliw na ata 'tong Yol na 'to. 

" Hindi naman sa ganun Karrine, pasok ka sa loob. Nandiyan siya, alagan mo siya. Parang bigyan mo siya ng KISSpirin at YAKAPsule sabi kasi nila super effective daw yun sa mga may sakit. Kanina ka pa inaantay nun. Pasok kana dali!!!! "

Tinulalak tulak niya ako papasok sa loob. Dali dali siyang nag doorbell. Nakakaisang doorbell palang bigla ng bumakas yung pinto nila.

*gulp*

Disturbing image!!!! alertness overload! Hotness overload!!! Kagwapuhan overload! anong klaseng look yan!!!!

" Hehe! Hi Lili. Here's your medicine! Dinala ko na dito. Pasok kana bukas ah! Kailangan ka namin! Babye! Enjoy! Ninong ako sa baby! " sigaw ni Yol sabay takbo paalis.

Ako nakatitig lang sa wet look na may fitted v-neck shirt na Chivaz! Naka jogging pants niya. Ang kyut niya! First time ko siyang makitang naka jogging pants!

" Ma…ma…may sakit ka daw? " ano ba yan! Bakit nauutal ako? Masyado akong pahalatang nadidisturb ako sa wet look niya. May sakit siya pero bakit naligo siya? May nakasabit na towel pa siya sa balikat niya. I lurve the towel on his shoulder. Ang howttt niyang tignan!

" Okey nako. Nakita na kita e. " ani niya ng nakangiti. Ang gwapo! Hala! anong nangyayari sa akin!?

" Bakit di mo sinabing may lagnat ka na pala kaninang umaga pa!? Kainis ka! Dapat nagpahinga ka na lang sa bahay niyo. Dapat di mo na ako sinundo sa bahay! "

She's My Definition of LOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon