SMDOL : Chapter 31

2.4K 47 5
                                    

SMDOL : Chapter 31

Karrine Airy Mitchellin POV

Halos wala kang makikitang pakalat kalat na estudyante ngayon. Lahat sila nasa open field. Today is the day na kasi. Ang pinaka hihintay na laban ng MU versus PU.

Pinag halong kaba at excitement ang nararamdaman ko. Nandito ako sa labas ng locker room nila Ivan, dala ko yung shirt and boxer shorts niya na pinahiram niya sa akin kahapon.

Unang lumabas ng room si Blake. " Oh? Karrine anong ginagawa mo diyan sa labas? " tanong niya ng makita niya ako.

" Hinihintay ko si Ivan, may ibibigay lang ako. "

" Ah. Ganun ba... wala ba kaming goodluck kiss diyan? " biro niya.

Sumulpot na lang bigla si Ivan at pinaalis si Blake. " Kiss? How about a punch on your face? " he said, with a serious look.

" Joke lang yun Master. Ikaw talaga, napaka seryoso mo hehe... Geh alis na ako, usap lang kayo diyan. " sabi ni Blake tapos dali daling tumakbo papasok ulit sa locker room nila.

Nakatingin lang si Ivan sa akin. Yung mukha niya parang ayos na, I mean mukha naman siya laging walang paki elam; expressionless, emotionless or so what ever look basta mukhang bored lagi, mukhang hindi naman siya napagalitan ng Mom niya kahapon. At mukhang hindi siya napalayas sa condo unit niya.

" Hmm... eto pala yung shirt and boxer shorts mo. Malinis na 'to pinalaba ko na kay Manang. " sabi ko sabay abot ng paper bag sa kanya.

Tinignan niya lang yung paper bag na parang nagdadalawang isip pa siya kung kukunin niya ba yun o hindi. " I don't think I'll be needing that in our game. " napakagat labi ako sa sinabi niya. Dapat yata dinalhan ko sila ng water instead na ito ang iabot ko. Hayy… Karrine! Bat ba kasi ngayon ko pa naisipang isauli 'to, napaka wrong timing ko parati.

" Stop biting your lower lip, it makes me want to take another shot of kisspirin. " nangingiti ngiti niyang sabi.

Nanlaki yung mata ko sa sinabi niya. Kisspirin? Magsasalita pa sana ako. Buti na lang biglang lumabas si Britt at inakbayan niya si Ivan. " Tara na. Tinatawag na tayo ni coach. " ani Britt.

Tumango lang si Ivan, nauna ng lumakad si Britt " I need to go, and... uh, never bite your lower lip, it's tempting... " sabi niya sabay talikod sa akin.

Homaygeeeeesssh! Tsaka wait lang! Bat ganun??? Bakit parang kinilig ako? Bakit parang iba si Ivan ngayon naman  ihhhhhh! Crush na talaga kita! Pero sa tingin ko unti unti na din akong nahuhulog sa'yo...

" FIGTHING IVAN!!! " sigaw ko, medyo nakalayo na kasi siya. Tinaas niya yung kanang kamay niya. Sign siguro yun na narinig niya yung sinabi ko.

Ma search nga kung anong meaning ng crush? Feeling ko kasi hindi lang crush 'to!? Crush ba yung buong gabi ko siyang iniisip? Tsaka! Pero teka! Kaya ko lang naman siya iniisip kasi concern ako, baka mamaya napalayas na pala siya sa condo niya. Yun lang yun! Nothing less nothing more! PERIOD

" KARRINE! " dinig kong tawag sa akin. Pag lingon ko sa likod si Yol tumatakbo.

" Oh Yol bakit?... " tanong ko, medyo hinihingal hingal pa siya.

" Kanina pa kita hinahanap. Tara na. " sabi niya, sabay hila sa akin.

" Teka. Wait lang... San tayo pupunta? "

" Basta. "

Nagdirediretso kami sa open field. Hinanap ko sina Scarlet at Lindsay, magkatabi silang naka upo sa bleacher ng PU team. Medyo malayo sila sa pwesto ko, kasi nandito ako sa team ng MU.

She's My Definition of LOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon