SMDOL : Chapter 55

1.8K 25 1
                                    

SMDOL : Chapter 55

Pagpasok ko sa unit ko ay sumalampak agad ako sa sofa na nandito sa sala ko. Kararating ko lang ng Pilipinas pero sobrang dami na ng nangyari. Mag-isa ko na lang ngayon sa bahay, I have no one to lean on, wala na din akong katulong na pwedeng maglinis at magluto para sa akin, pati kotse wala, kailangan ko ding magtipid at maghanap ng trabaho.

Paano nangyaring naging ganito ako :

I called the secretary of my Mom na uuwi na ako ng Pilipinas. Hindi ko tinawagan si Mommy kasi alam kong hindi niya ako papayagan, nagpatulong ako sa secretary niya na ayusin ang mga papers ko para makauwi na ako ng Pilipinas. And so she did, she helped me, I also told her na ilihim muna ito kay Mommy at ako na lang ang kakausap sa kanya pagdating ko ng Pilipinas.

Walang sumundo sa akin sa airport so I was forced to ride on a bus, I have no choice kahit natatakot akong sumakay ay pinilit ko dahil hindi ako makakauwi kung hindi ako sasakay, nasa harapan naman ako at lagi kong kinakausap ang driver kung nasaan na ba kami. Bumaba ako sa isang mall na lagi kong pinpuntahan at mula dun sumakay ako ng taxi pauwi. Buti na lang at isang backpack lang ang dala ko, kaya hindi ako nahirapang mag bitbit bitbit.

Pagdating ko sa bahay ay nakapagtatakang walang ibang tao sa paligid, pumasok lang ako sa loob at nagtaka din ako dahil nakabukas ang mga pinto na para bang alam nilang darating ako.

Pagpasok ko ay hindi ko inaasahang nasa sala si Mommy na parang hinihintay niya ang pagdating ko. Lumapit ako sa kanya ng nakangiti at hindi pinapahalatang kinakabahan ako, tumayo siya mula sa couch na kinauupuan niya at laking gulat ko na isang malutong na sampal ang ibinungad niya sa akin.

Napatulala na lang ako na parang nayanig ang buong mundo ko sa sobrang lakas ng sampal, namanhid ang buong mukha ko at halos wala akong naramdamang sakit sa sampal na 'yon.

" Hindi kita pinalaking ganyan Gary! I am so disappointed! Pinapunta kita ng America para mag aral, pero anong ginawa mo? You ruined my trust to you! And worst may kasama kang ibang lalaki sa unit na binili ko sa'yo? Is that what you learned from me? Tinuruan ba kitang magpatira ng lalaki sa bahay? What do you expect me to think? Magkasama kayo sa iisang bahay! Leave. I don't want to see your face in my house! "

Sobrang nanginginig ang buong katawan ko. First time kong makitang magkaganito si Mommy, never niya akong pinagbuhatan ng kamay, never niya akong pinagsalitaan ng ganito.

" Mo--mom I'm sorry... I-its not what you think it is, I was-- " hindi ko na napatapos pa ang sasabihin ko ng bigla na siyang naglakad paalis at iwan akong nakatayo sa sala.

Saka ko lang naramdaman ang sakit ng sampal ng iwan ako ni Mommy. Hindi niya ba ako pakikinggan? Mag-eexplain naman ako, I have reasons why I did that, hindi naman ako nagloko, I just help a friend pero yung akala kong makakatulong ako ay nauwi sa wala, cause he gave up already, gusto ko man magalit kay Chivaz. I can't. Kasi nandun ako sa mga panahong nakikita ko siyang nasasaktan, hindi ko magawang magalit sa pag-iwan niya sa akin, hindi ko siya magawang sisihin sa pag sampal ni Mommy sa akin. Wala siyang kasalan dito, kasalanan ko ang lahat dahil hindi ko sinabi ang totoo.

Narinig ko namang may mga yapak na papalapit sa akin. Hinawakan niya ang balikat ko. Napatingala ako sa kanya.

" It's okey Gary. Your Mom is just so upset. Masama lang ang loob niya, but soon enough mawawala din yun. " he pulled  me on a hug, niyakap ko din siya pabalik and I cried on his chest.

" Daddy hindi ko naman po gagawin yun kung walang magandang rason. I want to explain myself, please Dad talk to Mom. " pagmamakaawa ko, hindi ko kayang ganito kami ni Mommy, hindi ko kayang may galit siyang nararamdaman sa akin.

She's My Definition of LOVE (COMPLETED)Where stories live. Discover now