SMDOL : Chapter 27

2.8K 40 3
                                    

SMDOL : Chapter 27

Patrick Harris David POV

" Okey ka lang Bro.? " pinunasan ko yung dugong tumulo sa labi ko. Shet! Sa dinadami dami ng pwedeng mapuruhan mukha ko pa!

" Gago! Sa tingin mo ba okey ako.!? " inis kong sagot kay Blake . Ayaw ko pa naman sa lahat nagagalusan ang mukha ko. Tang ina naman kasi! Hindi ko magawang lumaban kay Britt.

Naiintindihan ko naman siya. Alam ko din namang nasasaktan si Lindsay ngayon, yung hindi palang pag pansin sakin ni Lindsay alam kong iniiwasan niya na ako, partida yung lagi pa akong nakabuntot sa kanya.

Ang hindi ko lang matanggap e yung kailangan niya pa akong suntukin! At sa mukha ko pa!

" Pano na yan Patrick, titigilan mo na si Lindsay? Susundin mo ba yung sinabi ni Britt? " isa pa 'tong Blake na 'to. Kung kanina sanang inawat niya na si Britt edi sana hindi ako nasugatan sa mukha.

" Yun lang naman ang magandang gawin. " bakit ba kasi sa dinami dami ng babaeng pwede kong magustuhan si Lindsay pa? Kainis napaka komplikado na, ayaw ko na. Gusto ko ding tapusin 'tong kagaguhang 'to!

Nilabas ko yung cellphone ko at dinial ang name ni Lindsay.

[ " Hello. " ] pormal niyang sagot sa ikatlong ring.

" Pinapatawag ka ni Britt sa Bar house, ngayon na. Geh bye. " hindi ko na hinintay na magsalita pa siya, inend ko na agad yung call.

" Sasama ka ba? " tanong ko kay Britt na ngayon ay nag-aayos ng gamit. Katatapos lang din kasi ng practice ng baseball.

" Sige, gusto ko ding kumanta ngayon sa Bar. "

BAR HOUSE

Sobrang dami ng tao ngayon, mas madali akong makakahanap ng babae. Hinanap ko pa si Britt, nasa gilid siya ng counter nagsosolo. Umiinom ba siya? Pero bawal kami dun ah. Minsan talaga nagtataka ako sa mga crew namin -_- may favoritism! Porke naka cap lang si Britt binigyan na nila ng alcohol! Tsh… ang tanga naman! Di ba nila alam na disguise niya lang yun.

" Pat punta lang ako sa dressing area natin. " paalam ni Blake, tinanguan ko lang siya. Kailangan ko ng makahanap ng babae, anytime pwede ng dumating si Lindsay.

Hindi ko na pala kailangang maghanap kasi sila ang kusang lumalapit.

" Hey baby! Long time no see. You look hotter now. " Shet! Mapapasubo ata ako sa babaeng 'to. Pwede na siguro 'to. Sa pagtatantya ko, mukhang may edad na siya mga 19? Tsaka long time no see sabi niya. Baka close kami dati nakalimutan ko lang.

She cling her hands around me. " Oooopsss. Easy baby, you're too fast " gusto pa atang makipag halikan. Ayaw kong sa malandi mapupunta ang first kiss ko. Oo chickboy ako, pero hindi ako humahalik hinding hindi sa labi ko. Kadiri -_- tsaka ang bata ko pa para dun.

Pumwesto kami sa madaling makita ng tao. Yung tipong pagpasok mo sa bar makikita mo na agad kami.

Maya maya lang bigla ng dumating si Lindsay. Start na rin ng show. Sorry Lindsay but I have to do this.

Hinawak hawakan ko yung pisngi ng babaeng kasama ko. Binulungan ko siya. Yung sobrang dikit na talaga nang mukha ko sa kanya. Sinilip ko ng mabilis si Lindsay nakatitig siya sa amin. Shet! Bakit parang nagi-guilty ako sa ginagawa ko ngayon!

Tang ina! Dapat matuloy ko 'to! Tinalikuran ko si Lindsay at umarteng parang hinahalikan yung kasama kong  babae. Hinayaan kong halikan ako ng babae sa bandang leeg ko.

This time humarap ako kay Lindsay, hinahalikan pa din ng babae ang leeg ko. Tinitigan ko si Lindsay and I half smiled. Nakakatitig siya sa akin, teary eyed? Tss…

She's My Definition of LOVE (COMPLETED)Where stories live. Discover now